PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

President Duterte asks Willie Revillame to run for senator

President Duterte: "Gusto ko sana maging senador ka."
by Jojo Gabinete
Published Jun 13, 2021
President Rodrigo Duterte to Willie Revillame: "Matagal na tayong hindi nagkita pero palagi kitang naalaala dahil gusto ko sana maging senador ka."

Desidido si President Rodrigo Duterte na kumbinsihin ang TV host na si Willie Revillame para kumandidato ito sa May 2022 elections.

Inimbitahan ni Duterte si Willie sa isang hapunan sa Malacañang Palace noong March 16, 2021.

Dito niya unang tinanong ang Wowowin host kung pwede itong tumulong sa ating bansa sa mas malaking paraan sa pamamagitan ng pagkandidato sa susunod na taon.

“Pag-iisipan kong mabuti. Ipagdarasal ko,” sagot ni Willie sa tanong sa kanya ng Pangulo noong March 2021.

Ngayong Linggo ng hapon, June 13, inulit ni Duterte ang imbitasyon kay Willie para tumakbo ito sa darating na halalan sa pamamagitan ng isang video na inilabas ng GMA News.

Pahayag ng Pangulo sa kanyang videotaped message: “Willie, si Mayor ito. Kumusta ka? Matagal na tayong hindi nagkita, pero palagi kitang naalaala dahil gusto ko sana maging senador ka.

“Sabi ni Bong [Senator Bong Go], nagdadalawang-isip ka. Pero ganoon pa man, open yung slot until the last minute kung ayaw mo na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pwede na tayong mag-usap uli. Sana in the meantime, more success sa mga programa mo at sa mga tao. Bilib ako sa appeal mo sa masa. Mabuhay ka!”

Hindi pa naglalabas ng sagot si Willie tungkol sa imbitasyon sa kanya ng pangulo.

Gustung-gusto ni Duterte na kumandidato si Willie dahil, ayon sa kanya, malaking tulong sa pamahalaan ang ginagawa ng TV host para sa ating mga mahihirap na kababayan.

Sinisikap ng Cabinet Files na makuha ang panig ni Willie tungkol sa mensaheng ipinarating sa kanya ni Duterte, na hindi ipinagkakailang pinapanood ang game at public service program ng TV host sa GMA-7.

Samantala, kahapon, June 12, ay inanunsiyo na ng 1Sambayan ang kanilang nominees para sa pagkapangulo at bise presidente sa 2022 elections.

Kabilang dito sina Vice President Leni Robredo, human rights lawyer Chel Diokno, Senator Grace Poe, former Senator Antonio Trillanes IV, religious leader Bro. Eddie Villanueva, at ang Star For All Seasons at Batangas representative na si Vilma Santos-Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho nang nag-decline sa nominasyon sina Grace at Vilma.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte to Willie Revillame: "Matagal na tayong hindi nagkita pero palagi kitang naalaala dahil gusto ko sana maging senador ka."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results