Teleserye ni Xian Lim sa GMA-7 katambal si Jennylyn Mercado, may working title na

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2021
Mukhang tuloy na ang paglipat ni Xian Lim sa Kapuso network dahil may working title na ang una niyang teleserye sa GMA-7 na pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado.
PHOTO/S: Raymund Isaac / Instagram

Love. Die. Repeat. ang working title ng drama series na pagtatambalan nina Xian Lim at Jennylyn Mercado sa GMA-7.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, magsisimula ang taping ng Xian-Jennylyn starrer sa Hulyo.

Ang drama series na pagsasamahan nila ni Jennylyn ang unang proyekto na gagawin ni Xian sa Kapuso Network kaya excited ang aktor sa bagong kabanata ng kanyang showbiz career.

Isa si Xian sa mga artistang masuwerte dahil sa kabila ng coronavirus pandemic, hindi siya nawalan ng mga assignment sa telebisyon at pelikula.

Natapos noong June 12 ang Season 1 ng 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy, ang game show ni Xian sa TV5. Pero tiniyak ng mga producer ng programa na magkakaroon sila ng second season bago matapos ang 2021.

Habang hindi pa nagsisimula ang Season 2 ng 1000 Heartbeats, ang taping ng project nila ni Jennylyn ang pagkakaabalahan ni Xian, na patapos na rin ang shooting para sa pelikula na Yorme: The Musical.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang showbiz career ni Xian sa ABS-CBN noong 2008 kaya naranasan niyang maging Kapamilya nang mahabang panahon.

Noong January 2018, lumipat si Xian sa Viva Artists Agency, pero nagpatuloy ang paglabas niya sa mga programa ng ABS-CBN.

Nang hindi bigyan ng Kongreso ng franchise ang Kapamilya network, hindi pa rin naapektuhan ang kanyang TV career dahil siya ang napiling host ng 1000 Heartbeats ng TV5.

Mula sa pagiging Kapamilya, nasubukan ni Xian na maging Kapatid star, at ngayon, tiyak na ang pagpasok niya sa Kapuso Network.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mukhang tuloy na ang paglipat ni Xian Lim sa Kapuso network dahil may working title na ang una niyang teleserye sa GMA-7 na pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado.
PHOTO/S: Raymund Isaac / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results