Ang mga litratong magkasama sina John Lloyd Cruz at Katrina Halili ang dahilan kaya nagkaroon ng mga haka-hakang nagkakamabutihan ang dalawa.
May mga naniwala at umasang totoo sana ang hinalang may namumuong relasyon sa pagitan nina John Lloyd at Katrina.
Pero sinira at winakasan agad ng isang malapit sa aktor ang nag-uumpisa pa lamang na ilusyon.
“Magkaibigan lamang sina John Lloyd at Katrina,” walang pagdududang pahayag ng informant sa Cabinet Files.
Hindi nakapagtatakang matsismis sa isa’t isa sina John Lloyd at Katrina dahil ilang beses na silang nakitang magkasama.
May valid reason ang pagsasama nila dahil, ayon sa informant, boyfriend ni Katrina ang matalik na kaibigan ni John Lloyd na equally controversial pero low-profile.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Katrina sa panayam ng PEP.ph noong September 2020 na pitong taon na siyang single.
Ayon pa sa informant, nabuo ang friendship nina John Lloyd at Katrina dahil may malawak na lupain ang aktres sa Palawan kaya natulungan niya ang aktor sa pagbili ng property sa kanyang pinagmulang probinsiya.
Kung titingnang mabuti ang group photo nina John Lloyd at Katrina, makikitang madalas na kabilang sa larawan ang lalake na karelasyon ng aktres.

Sina John Lloyd Cruz at Katrina Halili kasama ang ilang mga kaibigan, kabilang ang mga aktres na sina Mimi Juareza, Wilma Doesnt, at Maja Salvador sa rest house ng aktor sa Batangas.
Tahimik at hindi showbiz personality ang current boyfriend ni Katrina kaya walang maghihinala o makakaisip na silang dalawa ang may relasyon, at saksi lamang si John Lloyd sa pagmamahalan nila.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.