PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joem Bascon opens up about baby with Meryll Soriano

"Sobrang happy ko, sobrang saya ko."
by Jojo Gabinete
Published Jul 6, 2021
Joem Bascon on being a first-time dad: “Sobrang saya ko, and hindi ko naramdaman siguro yung pandemic because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin.”
PHOTO/S: VivaMax / @planetumeboshi on Instagram

Pitong buwan na ang nakararaan mula nang aminin ni Meryll Soriano na may anak na sila ni Joem Bascon, pero hindi pa naririnig ng publiko ang pahayag ng aktor.

Si Joem ang leading man nina Lovi Poe at Rhen Escaño sa erotic-thriller-drama movie na The Other Wife.

Nagkaroon ng tsansa ang entertainment press na tanungin ang aktor sa media conference ng kanilang pelikula noong July 4 tungkol sa pagiging ama niya sa kauna-unahang pagkakataon.

Sabi ni Joem, “Sobrang happy ko, sobrang saya ko. Hindi ko ma-explain kung…basta hindi ko siya ma-put into words.

“Sobrang saya ko, and hindi ko naramdaman siguro yung pandemic because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin.”

Itinuturing ni Joem na pinakamalaking biyaya sa panahon ng coronavirus pandemic ang pagdating ng anak nila ni Meryll.

Saad niya, “I’m just happy na nagkaroon kami ng blessing nung nangyayari yung kaguluhan sa buong mundo and, I guess, yun ang sagot namin to be strong, to be loving sa bahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naibigay namin yung lahat ng pangangailangan sa anak namin. Sobrang naka-focus kami."

THE OTHER WIFE

Pansamantala lamang napalayo si Joem kay Meryll at sa kanilang anak nang magsimula ang lock-in shoot ng The Other Wife sa La Union noong April 2021.

Ginagampanan ni Joem sa The Other Wife ang karakter ni Ronnie, at si Janis (Lovi) ang kanyang asawa.

Nagbago ang takbo ng buhay nila nang magbakasyon sila sa kanilang beach house sa La Union dahil muling nagkita si Ronnie at ang kababata nitong si Luisa (Rhen).

Nagsimula na ring madalas na makita ni Janis ang isang babaeng hindi niya kilala at ginagamit ang kanyang mga personal na kagamitan.

Tungkol sa "baliw na pag-ibig" ang kuwento ng pelikula na idinirek ni Prime Cruza.

Mapapanood ito sa VivaMax simula sa July 16, 2021.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon on being a first-time dad: “Sobrang saya ko, and hindi ko naramdaman siguro yung pandemic because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin.”
PHOTO/S: VivaMax / @planetumeboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results