Ang partisipasyon ni Xian Lim bilang performer at co-host ni Willie Revillame sa mid-year TV special ng leading e-commerce online shopping platform na Shopee sa GMA-7 ang hudyat ng nalalapit na pagiging Kapuso actor niya.
Live na napanood ang TV special ngayong Miyerkules ng gabi, July 7.
Si Xian ang leading man ni Jennylyn Mercado sa upcoming primetime series na may working title na Love. Die. Repeat.
Pero hindi pa siya opisyal na ipinakikilala ng Kapuso Network dahil hindi pa nag-uumpisa ang taping niya para sa kanyang unang proyekto sa GMA-7.
Gaya ni John Lloyd Cruz, unang lumabas si Xian sa TV special ng online shopping platform na iniendorso ni Willie.
Kinanta ni Xian ang sariling version niya ng "Pare Ko," ang hit song ng Eraserheads noong dekada ’90, habang tumutugtog siya ng piano.
Pagkatapos ng kanyang performance, sinamahan niya bilang host ng TV special ang another former Kapamilya actress na si Jessy Mendiola, na nagkaroon naman ng dance production number.
Tinanong ni Jessy si Xian kung ano kanyang pakiramdam dahil nasa GMA-7 na siya.
Sagot ng aktor, “GMA, maraming-maraming salamat. Wil, mula bata pa lang ako, e, tagahanga na ako.
"Sa lahat ng Kapuso na nanonood ngayon, maraming-maraming salamat!"
Nagbunyi ang loyal fans ni Xian dahil napanood nila ang kanilang idolo sa bagong tahanan nito, at kinilig umano sila sa paraan ng pagsasabi ng aktor sa salitang “Kapuso.”
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.