Cindy Miranda itinangging siya ang third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2021
Cindy Miranda on Nerisa leading man Aljur Abrenica: "First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene."
PHOTO/S: Viva Films / @cindymiranda on Instagram

"I’m not the third party. Thanks."

Ito ang polite na sagot ni Cindy Miranda sa mga nagkokomento sa kanyang Instagram account at mula sa mga taong mali ang akala na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.


Nadawit ang pangalan ni Cindy sa isyu dahil si Aljur ang leading man niya sa pelikulang Nerisa.

Continue reading below ↓

Napasabay sa virtual media conference ng pelikula kahapon, July 8, ang pag-amin ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie at ang manugang niya.

Si Cindy ang titular character sa Nerisa.

Para sa pelikula ang presscon at wala itong kinalaman sa personal na buhay ni Aljur, kaya paulit-ulit pinaalalahanan ang entertainment writers na hindi pwedeng magtanong tungkol sa pribadong buhay ng mga artista.

For the record, hiwalay na sina Kylie at Aljur nang mag-umpisa ang shooting ng Nerisa kaya abswelto si Cindy, na biktima ng mistaken identity dahil hindi siya ang third party na tinutukoy ni Robin.

Ang kumpirmasyon ni Robin na nagwakas na ang pagsasama ng kanyang anak at ng manugang ang dahilan ng kaliwa’t kanang pagbatikos kay Aljur.

Pero puring-puri ni Cindy ang aktor nang magkasama sila sa lock-in shoot ng Nerisa sa Alabat, Quezon.

Lahad ni Cindy, “First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene.

Continue reading below ↓

“Nailang po talaga ako noong una, but he made sure na you’re safe with me. [He’s] very professional.”

Gustung-gusto raw ni Cindy ang karakter na ginampanan niya sa Nerisa.

“Sobrang nakaka-relate kay Nerisa. Parang ang feeling ko, idol ko si Nerisa nung nabasa ko yung karakter kasi ang tapang-tapang niya.

“Gusto kong maging ganoon po lalo na siguro pagdating sa love, yung lahat gagawin mo talaga para sa pagmamahal mo.

"At nakaka-inspire yung karakter ni Nerisa kaya sinabi ko po this movie is more than just the sexy scenes."

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda on Nerisa leading man Aljur Abrenica: "First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene."
PHOTO/S: Viva Films / @cindymiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results