PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis to guest on Vice Ganda digital concert

Anne Curtis, balik sa entablado.
by Jojo Gabinete
Published Jul 16, 2021
Anne Curtis (right) will return to the stage for the first time after giving birth to her first baby via Vice Ganda's (left) digital concert, Gandemic, which will be streamed this Saturday, July 17.
PHOTO/S: Instagram

Si Anne Curtis ang isa sa mga special performer sa Gandemic, ang "VG-Tal concert" ni Vice Ganda na mapapanood sa ktx.ph streaming site bukas, July 17.

Ang guesting ni Anne sa Gandemic ang unang pagkakataong muli siyang mapapanood ng publiko matapos niyang isilang ang panganay na anak nila ni Erwann Heussaff noong March 2020.

Inimbitahan ni Vice si Anne sa kanyang first-ever digital concert dahil matagal na silang hindi nagkikita nang personal kaya pinaghandaan niya ang muli nilang pagsasama.

Sabi ni Vice, “Si Anne Curtis, guest ko rin. Magbabardagulan kaming dalawa.

"Gusto ko lang uli makipagbabuyan kay Anne Curtis, gusto niyang kumanta.

“Sabi ko nga, kahit walang audience ito, buwisitin ko lang si Anne Curtis, nakakatawa na ‘to.

"Paghahandaan ko siya talaga nang bongga kaya masaya agad,” excited na sabi ni Vice tungkol sa participation ni Anne sa Gandemic.

Sinabi ito ng It's Showtime host sa kanyang "sandwich session" sa mga editor at staff writers ng Summit Media kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang production insider, must-see ang Gandemic dahil ibang-iba ito sa lahat ng mga nakaraang concerts ni Vice.

Itinodo raw lahat ni Vice ang nalalaman niya sa pagpapatawa para maging maligaya at sandaling makalimutan ng manonood ang mga pagsubok na hatid ng coronavirus pandemic.

PERFORMING WITHOUT AN AUDIENCE

May mga suggestion kay Vice na idaos nito sa Smart Araneta Coliseum ang Gandemic. Pero pinili niya ang mas maliit na venue, ang Xylo at The Palace sa The Fort.

Sabi ni Vice, “In terms of venue, hindi na siya as big as Araneta Coliseum.

"Actually, gusto nila sa Araneta para makapag-mount ng malaking stage.

"Pero sabi ko, the bigger the venue, the bigger the stage, it would be harder for me kasi wala naman akong audience.

“Sabi ko, let’s just go back to the comedy-bar feels.

"Hindi na rin ako magrereklamo kung wala akong audience sa studio kasi nagsimula naman ako sa bar, nagpapatawa na dingding lang naman ang audience ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na wala naman tao kasi wala pa naman nanonood sa akin noon, yung sing-along bar sa Mabini, ang pangalan niya Raymond’s Bar. Hindi siya sikat, so minsan isang table lang o minsan kapag umuulan, wala pang tao pero kailangan kong magpatawa kasi bayad ako ng P250.00

“Nagsimula rin naman ako na walang tao, waiters lang ang pumapalakpak sa akin at tumatawa.

“So, smaller venue. So, we are mounting the concert in Xylo, yung club sa The Palace, The Fort.

"Smaller siya pero meron akong konting audience na ipinaalam namin kung ilan lang yung allowed na pwede kong maging audience.

“Sabi ko nga, aside from the cameramen and the staff, bigyan mo ako ng kinseng audience, okay na ako.

"Basta kailangan, makita ko yung mga mukha nila kung paano sila magre-react sa jokes ko. Okay na ako doon."

Dagdag pa ni Vice, “Nag-make sure kami na lahat ng numbers, fun lang, masaya lang. Walang malungkot na kanta. Kung slow man yung kanta, masaya pa rin. Walang time na bababa ang energy ng mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Itong two hours na 'to, escape talaga. Ayokong may malungkot na kanta, ayokong pag-usapan yung mga malulungkot na nangyayari.

“Escape lang ito, purely escape ng two hours, patawa lang tayo nang patawa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis (right) will return to the stage for the first time after giving birth to her first baby via Vice Ganda's (left) digital concert, Gandemic, which will be streamed this Saturday, July 17.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results