PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abdul Raman nangangamba pa rin sa kalagayan ng inang na-stroke

Abdul Raman, nagpasalamat sa mga nagpaabot ng tulong sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published Jul 23, 2021
Abdul Raman on the condition of his mother: "So far, hindi pa kami sure kung kailan siya ire-release from ICU and medyo worried talaga ako sa recovery stage, pagbalik niya po kasi aalagaan ko po talaga siya."
PHOTO/S: @abdulraman23_ on Instagram

Kasama sa cast ng Legal Wives ang StarStruck Season 7 alumnus na si Abdul Raman.

Sa virtual conference ng bagong primetime drama series ng GMA-7, ang kalagayan ng nanay niyang si Joyettes Geronimo Santos ang kinumusta kay Abdul.

Nagkaroon ng stroke ang ina ng young actor noong July 12.

"Recovering pa rin sa ICU," sagot ni Abdul.

Labis daw siyang apektado sa pagkakasakit ng kanyang 44-year-old mother.

“Ang mga good sign naman po ng doktor, corrected na ang eyesight, hindi na parang lazy eyes which is a good sign.

“So far, hindi pa kami sure kung kailan siya ire-release from ICU and medyo worried talaga ako sa recovery stage, pagbalik niya po kasi aalagaan ko po talaga siya.

“I’m not sure kung ano ang magiging effects, kasi sa right side ng brain niya yung clot.

"Sabi po it affects behavior, and dun po ako nanghihinayang talaga because that’s my mom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng Cabinet Files si Abdul kagabi, July 22, at ang second surgery sa kanyang ina ang ibinalita niya.

Three days ago, umabot na sa kalahating milyong piso ang mga bayarin ni Abdul sa ospital kaya nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na tumutulong sa kanya.

Bukod sa personal na pasasalamat, ibinahagi ni Abdul sa Cabinet Files ang listahan ng mga nagbigay ng tulong.

Gusto niyang malaman ng publiko ang pagkakaroon ng ginintuang puso ng kanyang Legal Wives co-stars na sina Dennis Trillo, Derrick Monasterio, Ashley Ortega, Shayne Sava, Andrea Torres, at Chanel Latorre.

Pati na ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado, Carla Abellana, Jeric Gonzales, Benjamin Alves, Pam Prinster, Kate Valdez, Radson Flores, Kim De Leon, Karl Aquino, Jeremy Sabido, Jerick Dolormente, Ella Cristofani, Lexi Gonzales, Rere Madrid, Will Ashley, Elijah Alejo, at Bruce Roeland.

HOT STORIES

Mapapanood ang Legal Wives simula sa Lunes, July 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abdul Raman on the condition of his mother: "So far, hindi pa kami sure kung kailan siya ire-release from ICU and medyo worried talaga ako sa recovery stage, pagbalik niya po kasi aalagaan ko po talaga siya."
PHOTO/S: @abdulraman23_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results