Parehong nagsimula ang mga acting career nina Alfred Vargas at Dennis Trillo bilang mga miyembro ng Star Circle Batch 10, na inilunsad ng ABS-CBN noong October 2001.
Ang Star Circle, na kilala ngayon bilang Star Magic, ay talent management arm ng Kapamilya network.
Si Dennis ang unang lumipat sa GMA-7 noong 2002, at sumunod si Alfred bilang contract star ng Kapuso Network noong 2004.
Unang nagkasama ang dalawa sa Etheria, ang drama fantasy series ng GMA-7 noong 2005 at hindi na ito nasundan pa.
Makalipas ang labing-anim na taon, naganap ang TV reunion nina Dennis at Alfred sa Legal Wives, ang drama series ng Kapuso Network na mapapanood simula ngayong Lunes nang gabi, July 26.
Nagkaroon daw sila ng bonding moment tulad ng pamimisikleta sa set ng Legal Wives sa Caliraya, Laguna.
Lahad ni Alfred, "Noong first taping day ko, we were reminiscent of our early days. Magka-batch kami ni Dennis with Bea Alonzo.
"I’m very, very happy for him. Isa naman talaga siya sa mga pinakamahusay na aktor ng aming henerasyon.
"At just to be part of that project, grateful ako pero limited lang talaga ang oras ko to shoot."
Noong February 9 unang nag-post si Dennis ng throwback photo ng grupo ng Star Circle Batch 10.
Sabi sa caption ni Dennis, "20 years ago ni launch kami sa Star Circle batch 10! #beterano #since2001."

BROTHER IN LEGAL WIVES
Magkapatid ang mga role nila sa Legal Wives, pero sandali lamang ang partisipasyon ni Alfred.
Gaganap si Alfred na asawa ni Alice Dixson, na magiging asawa rin ng karakter ni Dennis.
Paliwanag ni Alfred, "Mabilis lang ang participation ko kasi I cannot do the lock-in taping. Nag-taping lang ako for Legal Wives, mga three days lang.
"Yun lang ang kinaya ko in terms of time commitment.
"Pero I’m happy dahil maganda yung Legal Wives. Nakita ko yung trailer, cinematic talaga at parang epic nga."
NEXT PROJECT WITH DENNIS AND BEA?
Umaasa si Alfred na masusundan pa ang mga project na pagsasamahan nila ni Dennis.
Si Alfred ay kasalukuyang kongresista sa fifth district ng Quezon Quezon City.
Malaki rin ang posibilidad na makatrabaho nila si Bea na isa nang Kapuso actress.
Kaya kung saka-sakali, reunion ng mga dating miyembro ng Star Circle Batch 10 ang mangyayari makalipas ang dalawang dekada.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.