Jeric Raval, Baron Geisler, at Mark Anthony Fernandez pumayag gumanap na macho gays sa pelikula

by Jojo Gabinete
Jul 28, 2021
Macho actors (from left) Jeric Raval, Baron Geisler, and Mark Anthony Fernandez will play gays in director Darryl Yap's latest movie Barumbadings.
PHOTO/S: YouTube / Noel Orsal

Barumbadings, o mga barumbadong bading, ang pamagat ng bagong pelikula ng direktor na si Darryl Yap.

Sisimulan ang shooting nito sa Baguio City sa unang linggo ng August 2021.

Maituturing na casting coup ang mga artista ng Barumbadings dahil magsasama at gaganap na mga bading sa kauna-unahang pagkakataon sa isang pelikula ang mga aktor na may macho image.

Ito ay sina Jeric Raval, Baron Geisler, at Mark Anthony Fernandez.

Sa tunay na buhay, lalakeng-lalake si Jeric na nagbida sa mga action movie noong kabataan niya.

Pinag-usapan noong February 2021 ang kanyang pagkakaroon ng labingwalong (18) anak.

Naranasan na ni Baron na gumanap na gay sa pelikula at TV shows, pero ni minsan ay hindi pinagdudahan ang kanyang pagkalalake. Alam ng lahat na palaban siya dahil sa mga gulong kinasangkutan niya noon.

Hindi pa alam ni Mark ang gay character na gagampanan nito sa Barumbadings, pero tiniyak niya sa Cabinet Files na kasama siya sa cast ng pelikula at uumpisahan nila ang shooting sa susunod na linggo.

Continue reading below ↓

Tulad nina Jeric at Baron na nasangkot noon sa mga kontrobersiya, matapang at tigasin ang tingin ng publiko kay Mark. Pero sa totoong buhay, malakas ang kanyang sense of humor at malambot ang puso niya.

Kaya kaabang-abang ang mga pagganap nila bilang mga barumbadong bading.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Macho actors (from left) Jeric Raval, Baron Geisler, and Mark Anthony Fernandez will play gays in director Darryl Yap's latest movie Barumbadings.
PHOTO/S: YouTube / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results