Grad pic ng pet dog nina Jerald Napoles at Kim Molina, sobrang cute!

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2021
Showbiz couple Jerald Napoles and Kim Molina proudly post the graduation photo of their pet dog, Unan M. Napoles, on their social media pages. The one-year old Mini Bichon Frise graduated cum laude yesterday, July 31, from the Milo and Friends Dog Academy, with a Bachelor of Arts degree in Obedience and Potty Training, Major in Hula Hoop Jumping.

Nakapagpapangiti at malakas ang hatid na good vibes ng graduation photo ni Unan M. Napoles, ang one-year-old female Mini Bichon Frise pet dog ng showbiz couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Nagtapos si Unan ng Bachelor of Arts in Obedience and Potty Training, Major in Hula Hoop Jumping sa Milo and Friends Dog Academy kahapon, July 31.

Jerald and Kim pet dog Unan graduation picture

Continue reading below ↓

Inilabas ngayong gabi nina Kim at Jerald ang uber cute official graduation photo ni Unan na nakasuot ng toga at nakapagpapasaya sa panahong naghahanda ang mga residente ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine na muling ipatutupad ng pamahalaan mula August 6 hanggang August 20 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 at ng kinatatakutang Delta variant.

Tunay na tao ang trato nina Kim at Jerald kay Unan na ipinagmamalaki nila na nagtapos bilang Cum Laude sa batch nito.

Ang dog trainer na si Tristan Huertas na nakilala at naging kaibigan ni Kim sa shooting ng Unforgettable ang professor ni Unan sa Milo and Friends Dog Academy.

Ang Unforgettable ang 2019 movie ng Viva Films at si Milo, ang aso na pag-aari ni Tristan, ang gumanap na Happy, ang co-star nina Sarah Geronimo at Kim.

Unforgettable para kay Tristan ang pagtulong na ginawa nina Sarah at Kim nang sumailalim siya sa heart bypass surgery noong March 2021 kaya lubos ang pasasalamat niya sa mga singer-actress na nagbigay sa kanya ng financial help.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz couple Jerald Napoles and Kim Molina proudly post the graduation photo of their pet dog, Unan M. Napoles, on their social media pages. The one-year old Mini Bichon Frise graduated cum laude yesterday, July 31, from the Milo and Friends Dog Academy, with a Bachelor of Arts degree in Obedience and Potty Training, Major in Hula Hoop Jumping.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results