PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Regala mourns death of his father Mel Francisco

John Regala on Mel Francisco: "Kahit ano ang mangyari, ama ko pa rin siya."
by Jojo Gabinete
Published Aug 2, 2021
John Regala (left) on passing of Mel Francisco (right): "Nabigla po ako sa pagpanaw niya. Nalungkot at lumuha ako dahil kahit ano ang mangyari, ama ko pa rin siya."
PHOTO/S: Liza Dino / Rachelle Siazon

Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, pinanindigan ng character actor na si Mel Francisco na hindi siya ang biological father ng 56-year-old actor na si John Regala.

Pumanaw si Mel sa edad na 78 noong July 25 dahil sa cardiogenic shock.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 30, 2020, inihayag ni Mel na hindi siya ang ama ni John.

"Hindi naman ako ang ama ni John Regala," siguradung-siguradong pahayag noon ni Mel.

Idinagdag ni Mel na wala itong naramdamang lukso ng dugo sa tuwing nagkikita sila noon ni John.

Hindi rin umano niya nakitang ipinagbuntis at isinilang si John ng kanyang dating karelasyon, ang former actress na si Ruby Regala, na pumanaw sa Amerika noong January 2020 dahil sa brain tumor.

Isa pa sa hinaing noon ni Mel ay mismong si John ang nagsabi sa media interviews nito noong patay na siya, kaya pinuputol na rin daw niya ang relasyon nilang mag-ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW JOHN LEARNED ABOUT MEL'S DEATH

Pero kahit itinakwil siya ni Mel bilang anak, umiyak umano si John nang malaman ang balitang namatay ang pinaniniwalaan niyang tunay na ama.

Ang pamangkin ni John na si Nene Lour Billones ang nagkuwento sa Cabinet Files tungkol sa naging reaksiyon ni John sa pagkawala ni Mel.

Lahad ni Nene, "Tinawagan siya sa telepono ng kanyang kapatid noong bawian ng buhay si Lolo Mel.

"Umiyak siya bigla, hindi nakatulog noong araw na ‘yon at wala siya sa mood.

"Gustung-gusto ni Tito John na makapunta sa burol ni Lolo Mel pero bawal kaming lumabas sa condo dahil sa lockdown kaya malungkot siya."

Sumunod na nakapanayam ng Cabinet Files si John.

Inamin ni John na nabigla siya sa pagkawala ni Mel, na tinawag niyang "Papa Mel."

"Nabigla po ako sa pagpanaw niya. Nalungkot at lumuha ako dahil kahit ano ang mangyari, ama ko pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako nagtatanim ng tampo o galit laban sa kanya dahil matagal ko na siyang pinatawad," saad ng aktor.

JOHN STILL CONSIDERS MEL HIS FATHER

Masakit daw para kay John dahil magkasunod na taong pumanaw ang mga magulang niya.

Ang ina niyang si Ruby Regala ay binawian ng buhay sa edad na 72 noong February 2020.

Pero pilit daw na nagpapakatatag si John ngayon.

Masalimuot man ang relasyon ng mag-ama, sa huli ay nanindigan si John na mananatiling ama ang turing niya kay Mel kahit itinakwil pa siya nito.

"Masakit po sa kahit kaninong anak ang maulila sa magulang, ngunit pilit kong kakayanin ito sa awa at tulong ng Ama ko sa langit.

"Sana, bigyan na lang natin ng katahimikan ang Papa ko.

"Sa ayaw at sa gusto niya, anak niya ako at ama ko siya!"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Regala (left) on passing of Mel Francisco (right): "Nabigla po ako sa pagpanaw niya. Nalungkot at lumuha ako dahil kahit ano ang mangyari, ama ko pa rin siya."
PHOTO/S: Liza Dino / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results