Nadine Samonte humihiling ng dasal para sa health ordeal nila ng kanyang pamilya

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2021
Nadine Samonte: "This week will be very tough for me and the whole family. Heather will have an eye surgery today, and my husband will have his angiogram this week. You guys know na I’m struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for them, for all of us."
PHOTO/S: @isabelrivasfarmgirl on Instagram

Dasal para sa mga miyembro ng kanilang pamilya ang hiling ni Nadine Samonte at ng kanyang mother-in-law na si Isabel Rivas.

Halos magkakasabay ang hospital confinement ni Nadine, ng asawa nitong si Richard Chua, at ng kanilang panganay na si Heather.

Sasailalim si Richard sa angiogram at colonoscopy procedure; kailangan ni Nadine ng blood transfusion dahil sa maselang pagbubuntis; at nakatakda naman ang eye surgery para sa four-year-old daughter nila.

“Please please keep us in your prayers,” pakiusap ni Isabel.

Tulad ng kanyang mother in-law ay humihingi rin ng dasal si Nadine, na pinipilit maging matatag at naniniwalang hindi sila pababayaan ng Panginoong Diyos.

Damang-dama ang pagiging emosyunal ni Nadine sa kanyang Instagram post ngayong Martes, August 3.

Mensahe ng aktres, “I’m kinda emotional right now. I don’t know what to say or do but I know everything will be fine. Kapit lang, prayers lang.

“'Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding,' this is what I’m thinking for the past weeks. Yes we are going through a lot, hindi halata noh?”

Continue reading below ↓

Hindi raw makontrol ni Nadine ang kanyang emosyon dahil sa mga pagsubok na pinagdaraanan ng pamilya niya.

Aniya, “Pero ngayon hindi ko mapigilan emotions ko, I need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family.

“Heather will have an eye surgery today, and my husband will have his angiogram this week.

“You guys know na I’m struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for them, for all of us.

“Crying on my own so they won’t see how I really feel. I wanna be strong for them. It’s so hard pag family talaga.

“I’m really really emotional right now. I can’t stop my tears while typing this. Lord give me all the strength. I know we can do this with you.”

Continue reading below ↓

Buntis si Nadine sa pangatlong anak nila ni Richard, at nakatakda siyang magsilang sa December 2021.

Noong June 2021, ipinagtapat ni Isabel sa PEP na labas-pasok sa ospital ang kanyang manugang dahil sa threatened abortion at napakaselang pagbubuntis.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte: "This week will be very tough for me and the whole family. Heather will have an eye surgery today, and my husband will have his angiogram this week. You guys know na I’m struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for them, for all of us."
PHOTO/S: @isabelrivasfarmgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results