Vice Ganda balik-U.S. concert tour sa October 2021

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2021
Iamin ni Vice Ganda na naapektuhan siya financially ngayong pandemya dahil sa kawalan ng concert tour. Pero sa October 2021 ay balik-concert tour si Vice sa pamamagitan ng "Vax Ganda," na itatanghal sa Amerika.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Malaki ang epekto ng coronavirus pandemic sa entertainment industry dahil nagsara ang mga sinehan, comedy bars, at nakansela ang mga concert.

Dahil dito, marami sa mga showbiz personality ang nabawasan at nawalan ng mga pagkakakitaan.

Isa si Vice Ganda sa mga hindi natakot umaming naapektuhan siya ng pandemya.

“Ang naka-affect sa akin nang malala financially, hindi yung kawalan ng franchise, yung pandemic mismo. Kasi hindi nga ako makapag-concert tour, e.

"Ang laki ng ibinibigay sa akin ng concert tour, di ba?" pagtatapat ni Vice sa virtual media conference ng digital concert niya, ang Gandemic: The VG-tal Concert, noong May.

Matutuldukan na ang kawalan ni Vice ng concert tour dahil magkakaroon siya ng show sa Amerika sa October 2021, ang Vax Ganda, A Dose of Laughter.

Ang StarMedia Entertainment ni Ana Puno ang producer ng Vax Ganda, ang first ever out-of-the-country concert ni Vice sa panahon ng coronavirus pandemic.

Inaabangan ng maraming Pilipino sa Amerika ang Vax Ganda dahil ito ang isa sa mga paraan nila para pansamantalang makalimutan at matakasan ang perwisyo na dulot ng pandemya na nagpabago sa buhay ng lahat ng mga tao sa buong mundo.

Continue reading below ↓

Sabik na sabik ang marami nating kababayan sa ibang bansa na makapanood ng mga live comedy show dahil, kahit panandalian lamang, gusto nilang tumawa at maging masaya.

Ito ang dahilan kaya naging matagumpay ang wala sa planong show ni Ai-Ai delas Alas sa New York City noong July 2021.

By the way, hindi lamang ang Vax Ganda ang pinaghahandaan ni Vice dahil may repeat sa August 14 ang Gandemic, na unang nagkaroon ng successful streaming sa ktx.ph noong July 17 at July 18.

"Due to insistent public demand" ang ibinigay na paliwanag ng ktx.ph tungkol sa desisyon ng Viva Live, ang producer ng concert, na ibalik ang Gandemic.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iamin ni Vice Ganda na naapektuhan siya financially ngayong pandemya dahil sa kawalan ng concert tour. Pero sa October 2021 ay balik-concert tour si Vice sa pamamagitan ng "Vax Ganda," na itatanghal sa Amerika.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results