Isinapubliko ng singer na si Daryl Ong ang engagement nila ng kanyang girlfriend na si Dea Formilleza noong July 3, 2001.
Sa digital media conference ng Four Hearts nitong Huwebes ng hapon, August 5, sinabi ni Daryl na nakatakda silang magpakasal sa March 2022.
Hindi baguhan sa showbiz si Dea dahil lumabas na siya noon sa mga drama series ng GMA-7 gaya ng Ika-5-Utos, The Stepdaughters, at The One That Got Away.
Ayon kay Daryl, naging kaibigan niya si Dea noon pang 2011.
Taong 2016 nang magkaroon sila ng relasyon na hahantong sa pagpapakasal nila sa susunod na taon.
Kuwento ng singer, “She’s from Davao. Matagal ko nang kaibigan, 2011 pa kami friends. Tapos 2016 kami naging committed sa isa’t isa.
"Dati rin siyang nag-aartista sa GMA-7."
May nakahandang sagot si Daryl nang tanungin kung bakit nag-alok siya ng kasal sa panahon ng coronavirus pandemic.
Aniya, “Wala pong sure sa panahon ngayon so bakit ko pa patatagalin?
"Sabi ko, 'Kailan pa? Kapag huli na? Kapag may nangyari sa akin?' Huwag naman.
"Ngayon na yung perfect time na dalhin namin sa next level yung relationship.
"Bukod sa matagal na rin kami and kino-consider ko siya as my best friend, importanteng bukod sa romantic relationship, maganda talaga yung kino-consider na kaibigan talaga namin yung isa’t isa."
Para kay Daryl, may koneksiyon ang engagement nila ni Dea at ang mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay sa Four Hearts, ang digital concert nila nina Janine Teñoso, Sam Concepcion, at Katrina Velarde.
Mapapanood ito sa ktx.ph sa August 28.
Sabi ni Daryl, “Magiging personal ang Four Hearts for me. Ang topic nito is papaano ba makipag-date o makipag-communicate sa mga significant na tao sa buhay mo lalo na sa challenges ng pandemic na kinakaharap natin ngayon.
“Recently, na-hospitalized yung mom ko, naoperahan siya, and then ang daming nangyari sa akin.
“Ngayon, engaged na rin ako with my fiancée.
"So, yung mga kakantahin ko sa concert, lahat konektado sa mga recent na nangyayari sa buhay ko, kaya personally connected ako sa show na 'to."
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.