Ang coronavirus pandemic at ang tumataas na kaso nito sa Las Vegas, Nevada ang pangunahing dahilan kaya limitado ang bilang ng boxing fans na sumaksi sa grand arrival ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao at Cuban boxer Yordenis Ugas.
Maglalaban para sa welterweight title ng World Boxing Association sa August 21 (August 22 sa Pilipinas) at magaganap sa T-Mobile Arena.
Nangyari ang paghaharap nina Pacquiao at Ugas sa Las Vegas nitong Martes, August 17 (Miyerkules ng umaga, Manila time), at ito ang unang pagkakataong nagkita sila.
Ang American boxer na si Errol Spence, Jr. ang dapat na makakalaban ni Pacquiao, pero nagkaroon siya ng eye injury kaya si Ugas ang ipinalit sa kanya.
Pahayag ni Ugas, sa tulong ng translator niya: "This is going to be a great fight between me and Manny Pacquiao.
"I’m so honored to be fighting a legend, someone like Manny Pacquiao who has done so much.
"When I got the call, it was wonderful for me to have this opportunity, and now I am really looking forward to stepping inside the ring."
Sinabi ito ni Ugas nang makapanayam siya ng mga miyembro ng media.
Inimbitahan din ni Pacquiao ang lahat ng boxing fans, lalo na ang mga Pilipino, na panoorin ang laban nila ni Ugas.
Sabi ni Pacquiao: "This is kind of a challenge and a good fight. I know both of us, we’ve prepared for this fight.
"It’s going to be a good fight, and I would like to invite all the fans all over the world, especially the Filipino people, to watch this fight."
Handa na si Pacquiao na muling labanan ang American boxing superstar na si Floyd Mayweather Jr., ayon sa kanyang trainer na si Freddie Roach.
Sinabi ni Roach ang plano nila ni Pacquiao sa interbyu sa kanya ng Sky Sports.
"We would like to fight Mayweather one more time. But exhibitions? No. Manny is not into that.
"Manny has boxing fans. That's what we're after,” paglilinaw ni Roach.
Sa halagang PHP400, live na mapapanood sa Upstream.ph ang Pacquiao versus Ugas World Welterweight Championship sa Linggo, August 22, 9 a.m.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.