"Bampira" ang tawag kay Albert Martinez dahil hindi tumatanda ang kanyang hitsura.
Senior citizen na si Albert pero walang mag-aakalang 60 years old na siya dahil alagang-alaga niya ang kalusugan at pangangatawan.
Si Albert ang lead actor sa The Housemaid. Siya ang gumanap na mayamang amo na nagkaroon ng relasyon sa kanyang kasambahay na si Daisy, na ginampanan ni Kylie Verzosa.
Mapapanood sa The Housemaid ang maiinit na eksena nina Kylie at Albert.
Fit at desirable pa rin si Albert sa edad na 60, kaya ito ang pinuna at pinuri sa presscon ng kanilang pelikula, nitong Martes ng hapon, Setyembre 7.
"Thank you. That’s a compliment. I’m officially a senior citizen. I’m sixty years old with real white hair," proud na saad ni Albert.
Ibinahagi niya ang sikreto ng matikas niyang pangangatawan.
"Through the years kasi, even when I was young, talagang I’m into working out, eating properly, not abusing myself.
"And I know for a fact, ito yung investment namin, kami sa industry—to make sure we stay fit, looking good… I guess that’s about it.
"Siguro konti about the genes, but then again, it’s all about discipline."
PROUD OF THE HOUSEMAID
Nang mapag-usapan ang kanyang role sa Philippine adaptation ng Korean movie na The Housemaid, nagsalita si Albert na habampanahon siyang magsisisi kung hindi niya tinanggap ang launching movie ni Kylie.
"It’s a film that every actor should accept. It’s a film na hindi mo puwedeng palampasin.
"It’s really a beautiful material, well-written, and to think that the film was an entry to 2010 Cannes Film Festival.
"It’s very challenging for all of us, for me as an actor, for the director, for the entire cast."
Sang-ayon si Albert sa direktor na si Roman Perez na buong cast ng pelikula ay nabigyan ng moment to shine.
Kasama sa pelikula sina Jaclyn Jose, Alma Moreno, at Louise delos Reyes.
"And Direk Roman mentioned, it’s an ensemble type of material. We did so well. I’m so happy for the team.
"And kung pinalampas ko ito, ito yung malaking pagsisisihan ko for the rest of my life."
40 YEARS IN SHOWBIZ
Matagal nang hindi napapanood si Albert sa pelikula dahil naging abala siya sa mga television series.
Akmang-akma ang pagbibida nila ni Albert sa The Housemaid dahil ginugunita niya ngayong 2021 ang 40 taon na anibersaryo ng kanyang acting career.
Nag-umpisa siya noong 1980 bilang isa sa mga original Regal Baby ng Regal Films.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.