PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose nakakalimutan ang anxiety kapag nasa trabaho

Jaclyn Jose: "Kapag may work, blessing ‘yon."
by Jojo Gabinete
Published Aug 16, 2021
Jaclyn Jose: "I am so bored just to be at home and do nothing. This is what I do best. This is what I love to do best and kapag may ganitong kaganda na characters na ibibigay."
PHOTO/S: The Housemaid trailer

Isiniwalat ni Jaclyn Jose na nakararanas siya ng anxiety at depression dahil sa Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad laban sa coronavirus pandemic.

Nakapanayam si Jaclyn ng entertainment press, kabilang ang Cabinet Files, sa digital media conference ng The Housemaid nitong Lunes ng hapon, August 16.

Umamin ang Cannes-winning actress na natatakot siya sa sitwasyong dala ng tumataas na cases ng COVID-19.

"I’m having anxiety and depression because we can’t get out," saad ni Jaclyn.

Pero hindi raw niya maaalis sa sarili ang magtrabaho.

Lahad ni Jaclyn, "Hindi naman ako magiging ipokrita. Everybody needs to work, so kapag may work, blessing ‘yon.

"Nakakatakot, very, very hard, and so scary. Last year, nung ginagawa namin itong The Housemaid, medyo hindi pa ganoon nakakatakot, e.

"Ngayon, mas nakakatakot because of some other variants na dumarating, nagmu-mutate.

"Mas nararamdaman ko yung takot ngayon."

Sinabi ni Jaclyn ang kanyang nararamdaman nang tanungin ang cast ng The Housemaid tungkol sa kahalagahan ng paglabas nila mula sa mga tahanan para sa kanilang mga ginagawang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ongoing ang kinabibilangan niyang The World Between Us, ang Kapuso prime-time series na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Hindi pa tapos ang taping para sa serye.

Patuloy ni Jaclyn, "I’m doing a soap. I love my work. I am so bored just to be at home and do nothing.

"This is what I do best. This is what I love to do best and kapag may ganitong kaganda na characters na ibibigay.

"Kahit na yung soap na ginagawa ko, makakalimutan mo for a while [ang takot]. And you need to be with your extended family, my showbiz people family, because it is hard."

Mapagkakatiwalaang kasambahay ang karakter ni Jaclyn sa The World Between Us.

Mayordoma rin ang role ng beteranang aktres sa Philippine adaptation ng The Housemaid, ang psychological thriller na launching movie ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Hindi pinanood ni Jaclyn ang original version ng The Housemaid dahil iniiwasan niyang magkaroon ng pagkukumpara at panggagaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng The Housemaid.

Ani Jaclyn, "Ayokong ma-compare at saka baka magaya ko [ang acting] dahil mahilig akong manggaya.

"Kaya kong manggaya, so gusto ko siyang tanggalin sa isipan ko.

"At nagpaalam naman ako kay Direk Roman na papanoorin ko ang [original na] pelikula pagkatapos kong gawin [itong sa amin]."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose: "I am so bored just to be at home and do nothing. This is what I do best. This is what I love to do best and kapag may ganitong kaganda na characters na ibibigay."
PHOTO/S: The Housemaid trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results