PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gumabao wants to invite Julia Barretto in Siargao

Marco, inaming crush niya noon si Julia pero hindi siya nanligaw.
by Jojo Gabinete
Published Sep 15, 2021
Marco Gumabao on Julia Barretto: “Open secret naman before, alam ng mga tao, alam ng mga barkada namin na may gusto ako kay Julia. Pero never ako talagang gumawa ng kahit na anong move dahil ayokong masira ang friendship namin. Para sa akin, mas importante ang friendship naming dalawa."
PHOTO/S: TV5 Philippines YouTube

As a friend, gusto ni Marco Gumabao na imbitahan si Julia Barretto na muling magbakasyon sa Siargao kapag nagkaroon sila ng pagkakataon o libreng panahon.

Sinabi ni Marco na may usapan na sila ni Julia na babalik sa Siargao para ipagpatuloy ang naudlot na pagbabakasyon nila noong October 2019.

“Kami ni Julia, matagal na naming pinaplanong pumunta uli sa Siargao kasi favorite place or favorite beach to go to namin ‘yon.

“Twice na kami nakapunta sa Siargao. First time was birthday niya.

"Second time, umuwi siya nang maaga. Mga two days lang siya doon. That was the time na yung lolo niya passed away, so she had to go earlier.

“Malungkot kami noong trip na yun, gusto naming bawiin. Kumbaga, gusto naming bawiin so we want to do it again," kuwento ni Marco sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong gabi, September 15.

CRUSH ON JULIA

Si Marco ang leading man ni Julia sa Di Na Muli, ang drama anthology ng Viva TV at TV5 na mapapanood tuwing Sabado, simula sa September 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ng lahat na matalik na magkaibigan ang dalawa, pero iilan ang nakakaalam na apat na taon pa lamang si Julia nang makilala siya noon ng seven-year-old na si Marco.

Lahad ni Marco, “Matagal na kaming nagkakilala ni Julia. If I remember correctly, yung dad ko [Dennis Roldan] are good friends with her Tita Gretchen.

“Naalaala ko na I was seven years old, may isang party kami ng mga Barretto na pinuntahan.

"I remember meeting Julia at that time. I think she was four, batang-bata pa talaga.

"Simula pagkabata, nakilala ko na siya. But naging close kami nang maging same ang handler namin sa Star Magic."

Hindi ipinagkakaila ni Marco na may gusto siya noon kay Julia, pero hindi niya niligawan ang aktres dahil ang pagiging magkaibigan nila ang kanyang pinahalagahan.

“Open secret naman before, alam ng mga tao, alam ng mga barkada namin na may gusto ako kay Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero never ako talagang gumawa ng kahit na anong move dahil ayokong masira ang friendship namin. Para sa akin, mas importante ang friendship naming dalawa."

Ayon kay Marco, hindi siya nanghihinayang na hindi sila nagkaroon ng romantic relationship ni Julia dahil mas panghihinayangan niya kung nasira ang kanilang pagkakaibigan.

Saad niya, “Mas manghihinayang ako kapag itinuloy ko yung dati tapos hindi nag-work out, masisira pa yung friendship namin.

“Ngayon, we’re both happy. She’s happy.

"Of course, alam naman natin na she’s in a relationship and happy ako para sa kanilang dalawa.

“Minsan, ganoon talaga ang buhay. Sometimes, yung mga gusto mo, hindi mo makukuha.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao on Julia Barretto: “Open secret naman before, alam ng mga tao, alam ng mga barkada namin na may gusto ako kay Julia. Pero never ako talagang gumawa ng kahit na anong move dahil ayokong masira ang friendship namin. Para sa akin, mas importante ang friendship naming dalawa."
PHOTO/S: TV5 Philippines YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results