Apat na taon na ang nakalilipas mula nang mabuwag ang love team nina Marco Gallo at Kisses Delavin na nabuo nang magkasama sila sa bilang housemates sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN.
Marami na ang nangyari sa professional at personal lives nina Marco at Kisses, na matagal nang hindi nagkikita.
Sa nakaraang virtual press conference ng Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, tinanong sa Filipino-Italian actor ang pagsali ng 22-year-old actress sa Miss Universe Philippines 2021.
Hindi follower si Marco ng Instagram account ni Kisses, pero alam niya ang mga nagaganap sa buhay ng kanyang dating showbiz partner dahil naka-tag siya sa mga social media post tungkol sa Miss Universe Philippines journey ng dalaga.
Saad ni Kisses, “Kung dito ka masaya, then ipagpatuloy mo lang. I mean, wala naman akong masyadong interest sa mga pageant-pageant.
“Nalaman ko na lang din [na sumali siya]. Na-tag ako sa mga tagged posts ko sa Instagram.
"Nung narinig ko yun, parang sabi ko, ‘Aba, itinuloy niya pa rin ang pangarap niya.
“I was surprised. Kung gusto niya manalo, I mean, good luck.”
Kahit hindi niya sinusabaybayan ang mga social media account ni Kisses, updated si Marco dahil alam nitong ang madalas na post ng kanyang former housemate sa PBB ay mga produktong iniendorso nito.
Kaugnay nito, may makahulugang mensahe si Marco kay Kisses:
“If she is listening right now, Kisses, post a little bit of your life more.
"All we see on your Instagram are Colgate and Palmolive. That is all we see, your sponsors.
“Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”
Si Kisses ang isa sa mga pinakapopular na kandidata sa Miss Universe Philippines 2021.
Buong-buong ang suporta sa kanya ng fans na ginagawa ang lahat para mag-trending palagi sa social media platforms ang pangalan niya.
Mula nang maging official candidate si Kisses ng Miss Universe Philippines 2021, nakita ng publiko ang kanyang drastic physical transformation.
Bukod sa umaapaw na self-confidence, beauty queen na beauty queen na ang mga kilos at pananalita niya.
May katotohanan ang obserbasyon ni Marco na mga shampoo at toothpaste ang madalas na social media posts noon ni Kisses.
Pero sa ngalan ng pagiging patas, nabawasan na ang mga sponsor post ng aspiring beauty queen buhat nang maging opisyal na kandidata siya ng Miss Universe Philippines 2021.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.