PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Epy Quizon on late dad Dolphy's legacy

"Yung tulong niya, may halo ng taya ng buhay niya."
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2021
Epy Quizon on late dad Dolphy: "I guess, sa panahon ng pandemya, mas nakakatakot siguro ngayon kung buhay ang tatay ko dahil he wouldn’t care about his health. He would still go out there and help. Ganoon ang pay it forward niya."
PHOTO/S: Facebook / File

Noong nabubuhay pa si Mang Dolphy at sa tuwing magkakaroon ng eleksyon sa bansa, ang pagkandidato ang madalas na itinatanong sa King of Comedy ng Pilipinas.

Pero tumatanggi siyang sumabak sa mundo ng pulitika dahil umiiral sa kanya ang takot.

Walong taon na ang nakararaan nang bawian ng buhay si Mang Dolphy noong July 10, 2012.

Pero nakatatak sa isip ng mga Pilipino ang sagot niya sa mga naghihikayat sa kanyang tumakbo para sa mataas na posisyon sa pamahalaan:

“Kung ako ay papasok sa pulitika, isa lang ang ikinatatakot ko, ito ay ang manalo. Dahil kapag nandoon na ako, baka mapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Sayang lang ang pagboto sa akin ng mga tao."

Ang di makakalimutang linyang ito ni Mang Dolphy ay isinasabuhay rin ng anak niya na si Epy Quizon.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, itinatag ni Epy ang Magkaisa.ph dahil sa kanilang nagkakaisang pangarap at layunin na isulong ang kapayapaan sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga naghinalang may plano si Epy na pumasok sa pulitika dahil sa adbokasiya nila ng mga kaibigan niya, pero nilinaw ng anak ng Comedy King na ipinagpapatuloy lamang nito ang pangarap ng kanyang namayapang ama.

Pahayag ni Epy, “Walang halong pulitika ang Magkaisa.ph. Itutuloy ko lang yung dream ng tatay ko na makatulong sa bayan.

"Itutuloy ko lang yung gusto niyang mangyari na makatulong maski hindi ka umapak sa pulitika.

"Sabi nga niya, ‘Madaling maging hari, but we were born as jesters, so I will remain as a jester."

DOLPHY'S AILMENT

Kilala si Mang Dolphy bilang matulungin.

Kung nabubuhay pa siya ngayon, sigurado si Epy na kahit may pandemya, lalabas ng bahay ang kanyang ama para tulungan ang mga nangangailangan.

“Ang tatay ko, talagang taya siya. Yung tulong niya, may halong taya ang personal niya," sabi ni Epy.

Nagkuwento rin si Epy tungkol sa pagkakaroon noon ng karamdaman ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The reason why nakuha niya yung sakit, kasi may tama na yung lungs niya, pumunta siya sa isang wake na may mga nagsisigarilyo sa loob.

“Hindi siya lumabas kasi nakiramay siya, maski na nai-inhale niya yung usok ng sigarilyo.

"Dun actually talagang lumala ang sakit niya.

"Hindi ko na sasabihin kung kaninong wake yun, pero wake yun ng isang artista na pinuntahan niya.

"Dalawang artista, dalawang [wake] ang pinuntahan niya. One after the other.

“Dun talaga lumala yung sakit niya, na-activate.

"But my dad, taya siya, e."

Patuloy ni Epy, "So ngayon, ganito, may pandemya, he’d only care about his health and he’d still be out there helping.

"Ganoon siya tumulong. Nakakainis nga minsan…"

Isang anekdota tungkol kay Mang Dolphy noong nakaratay na ito sa ospital ang ibinahagi ni Epy na isang patunay ng likas na matulungin at may malaking puso para sa mga nangangailangan ang tatay niya.

“Pinagalitan namin siya minsan. Di ba, nasa ospital nga ‘yan, bawal na siyang madumihan. Konting germs, puwede siyang magkasakit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Anong ginawa? Nagpapa-withdraw ng pera, itinatago sa amin. Ilalagay [niya] sa shorts para kapag may bumisita, may nadudukot siya, inaabot niya.

“Sa ilalim ng unan niya sa hospital bed, may pera. Di ba, ang dumi nun?

“Para kapag may dumadalaw sa kanya, may dinudukot siya, inaabutan niya yung dumadalaw.

"Yung tulong niya, may halo ng taya ng buhay niya.

“I guess, sa panahon ng pandemya, mas nakakatakot siguro ngayon kung buhay ang tatay ko dahil he wouldn’t care about his health. He would still go out there and help.

"Ganoon ang pay it forward niya, and I am not like that. Sorry pero hindi ako ganoon!" natatawang sabi ni Epy.

Si Epy, ang kanyang anak na si Alessandro, at ang mga kaibigan nila na sina Jourdan Sebastian, Jolevs Domingo, Malaya Pasion, at Patrick Alcantara ang mga bumuo ng Magkaisa.ph.

Itinuturing nilang isa sa mga pamana ni Mang Dolphy at sumasalamin rin sa tunay na pagkatao nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This message of Magkaisa.ph, this message of peace, this message of respecting one another is still part of my father’s message. Part of his legacy.

“Siya lang talaga yung walang kaaway. He remained a jester, he remained neutral, he remained respectful.

"And, I guess, isa yun sa mga characteristic ng Magkaisa.ph,” pagtatapos ni Epy.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Epy Quizon on late dad Dolphy: "I guess, sa panahon ng pandemya, mas nakakatakot siguro ngayon kung buhay ang tatay ko dahil he wouldn’t care about his health. He would still go out there and help. Ganoon ang pay it forward niya."
PHOTO/S: Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results