Watch Now

Raffy Tulfo, di totoong tatakbong bise presidente ni Manny Pacquiao sa 2022

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2021
Pinabulaanan ng isang TV5 insider ang balitang si Raffy Tulfo (kaliwa) ang magiging running mate ni Senator Manny Pacquiao sa 2022 elections. Ayon pa sa source, magiging independent candidate si Tulfo na tatakbo bilang senador.
PHOTO/S: YouTube

Ang kampo ni Senator Manny Pacquiao ang napaghihinalaang nagpapalutang ng balita na ang broadcaster na si Raffy Tulfo ang kakandidatong bise presidente o running mate niya sa halalan sa May 9, 2022.

Pero mahigpit itong pinabulaanan ng isang TV5 insider sa Cabinet Files.

Sinabi ng TV5 insider na senador ang tatakbuhin ni Raffy sa eleksyon sa susunod na taon.

Ito raw ang sinabi ng broadcaster nang magpaalam siya at hingin ang basbas ng management ng Kapatid Network.

Suportado umano ng TV5 management ang pagtakbo ni Raffy bilang senador kaya walang katotohanan ang kumakalat na balitang siya ang magiging bise presidente ni Pacquiao.

Nagdeklara na si Pacquiao ng kanyang kandidatura bilang presidente sa 2022 elections.

Itinuwid din ng Cabinet Files source ang isyung kakandidato si Raffy sa ilalim ng partido ni Pacquiao, ang PDP-Laban (Pacquiao and Senator Koko Pimentel faction).

Wala raw anumang partido na kinaaaniban si Raffy dahil independent candidate ito sa halalan sa 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mag-uumpisa sa October 1 at matatapos sa October 8 ang paghahain ng kandidatura ng mga personalidad na nangangarap maluklok sa puwesto.

Tiniyak ng Cabinet Files source na ihahain ni Raffy sa Commission on Elections ang senatorial bid nito bago matapos ang deadline sa October 8.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ng isang TV5 insider ang balitang si Raffy Tulfo (kaliwa) ang magiging running mate ni Senator Manny Pacquiao sa 2022 elections. Ayon pa sa source, magiging independent candidate si Tulfo na tatakbo bilang senador.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results