PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beatrice Luigi Gomez not the first lesbian pageant winner

Pageant winner, hindi pa sinasabi sa publiko ang tunay na sexual orientation.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2021
Proud member ng LGBTQ community ang bagong hirang na Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez. Pero alam niyo bang hindi siya ang unang beauty-pageant winner na miyembro ng LGBTQ?
PHOTO/S: Facebook

Kontrobersiyal at pinag-uusapan ang tagumpay ni Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe Philippines 2021 dahil hindi niya inililihim ang kanyang sexual orientation at pakikipagrelasyon sa kapwa babae.

Si Bea ang newly crowned Miss Universe Philippines. Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 70th Miss Universe na magaganap sa December 2021 sa Eliat, Israel.

Openly gay si Bea.

Proud ang bagong Miss Universe Philippines na miyembro siya ng LGBTQIA+ community at ang pagkakaroon ng mga tattoo sa katawan.

Pero hindi ito matanggap ng mga konserbatibo at moralistang beauty-pageant aficionados.

Hindi si Beatrice ang kauna-unahang lesbian beauty queen dahil may isang former beauty queen na kapwa babae rin ang gusto.

Ang pagkakaiba lang, openly gay lamang ang ex-beauty queen sa kanyang mga malalapit na kaibigan pero inililihim pa rin niya sa publiko ang tunay na sexual orientation.

Hindi nag-iisa ang former beauty queen na hindi pa handang ibulgar sa publiko ang tunay na pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumapatol din sa babae ang another Filipina beauty queen na ipinagtapat sa amin ang kanyang mga “sexploit” noong kabataan niya.

Hindi rin si Bea ang unang beauty-pageant winner na may mga tattoo sa katawan.

May mga tattoo rin si Rachel Peters nang manalo itong Miss Universe Philippines noong 2017.

Kasabayan ni Rachel sa 54th Binibining Pilipinas si Katarina Rodriguez, na may mga tattoo rin at kinoronahan bilang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2017.

Ang Miss World Philippines 2018 ang sumunod na beauty pageant na sinalihan ni Katarina. Siya ang nagwagi pero nabigo siyang magkaroon ng puwesto sa 68th edition ng Miss World.

Ang pagpapakatotoo ni Beatrice tungkol sa kanyang tunay na pagkatao ang isa sa mga tiyak na dahilan para mapansin at mapag-usapan siya sa 70th Miss Universe.

MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2021 DELAYED TELECAST

Ang Miss Universe Philippines Organization ang producer ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 na ginanap sa isang resort sa Bohol kagabi, September 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Live itong napanood sa streaming site na ktx.ph.

Sa darating na Linggo, October 3, ang airing ng delayed telecast sa GMA-7 ng Miss Universe Philippines 2021 coronation night.

Pero mapapanood na sa iba’t ibang mga YouTube channel para pagkakitaan ang pirated o mga ilegal na kopya ng video.

Tahasan itong paglabag sa copyright infringement kaya may karapatang magreklamo sa YouTube Philippines management ang Kapuso Network at ang Miss Universe Philippines Organization.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud member ng LGBTQ community ang bagong hirang na Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez. Pero alam niyo bang hindi siya ang unang beauty-pageant winner na miyembro ng LGBTQ?
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results