PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maureen Larrazabal on Herlene "Hipon Girl" Budol crying a river of tears on the set

"We had to stop and wait kasi kailangan na mapakalma namin siya."
by Jojo Gabinete
Published Oct 6, 2021
Maureen Larrazabal on Herlene "Hipon Girl" Budol: "Umiiyak talaga siya dahil sa pain na nararamdaman niya kahit nakikita natin siya na palaging masaya. Ang haba talaga ng hagulgol niya, promise."
PHOTO/S: Maureen Larazabal / Toni Gonzaga YouTube

Katatapos lamang ngayon, October 6, ng pangalawang araw ng taping ni Maureen Larrazabal para sa life story ni Herlene "Hipon Girl" Budol na isinadula ng Magpakailanman ng GMA-7.

Si Maureen ang gumanap na nanay ni Herlene sa forthcoming Magpakailanman episode na hindi raw niya makalimutan dahil nabigla siya sa inasal ng dating co-host ng Wowowin.

Dalawang araw bago ang unang taping day nila kahapon, October 5, nagkaroon muna ng virtual reading session sina Maureen, Herlene, at ang ibang cast members bilang paghahanda sa episode ng Magpakailanman.

Ikinuwento ni Maureen na sa virtual reading pa lang, humahagulgol na nang iyak si Herlene.

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Maureen ngayong Miyerkules ng gabi, October 6.

"Grabe nagulat ako! Reading pa lang, humahagulgol siya nang malakas dahil siguro sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

"We had to stop and wait kasi kailangan na mapakalma namin siya during the reading," ani Maureen na nababahala na umuwi ng bahay dahil sa walang hinto na pag-iyak ni Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Ganoon pa rin siya sa two days taping namin.

"Hanggang kanina, isang balde na tubig na yata mula sa katawan ni Herlene ang kanyang inubos sa pag-iyak dahil sa hirap ng buhay nila na super sakit at inilalaban niya nang todo."


HERLENE'S COMPLICATED RELATIONSHIP WITH MOM

Habag na habag si Maureen kay Herlene, na maraming dinamdam na inner wounds dahil sa masalimuot na relasyon nito sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa ni Maureen: "Nakakaawa na nakakabilib din si Herlene dahil atensyon lang mula sa nanay niya na karakter ko sa Magpakailanman ang gusto niya.

"Hanggang sa preview ng mga eksena, umiiyak siya. Hindi ko talaga siya makalimutan kahit pack-up na ako sa taping.

"Umiiyak talaga siya dahil sa pain na nararamdaman niya kahit nakikita natin siya na palaging masaya. Ang haba talaga ng hagulgol niya, promise.

"Tapos, sa sobrang takot niya na baka magalit ang nanay niya, nagpagawa pa siya ng video ko na nag-e-explain na huwag magalit ang mommy niya sa mga eksena na ginawa namin."


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HERLENE RAISED BY GRANDPARENTS

Ang lolo at lola ni Herlene ang nagpalaki sa kanya at siya ang tumatayo ngayon na breadwinner ng pamilya.

Pero naubos ang mga pera na naipon niya nang mawalan siya ng regular show, ang Wowowin, at nang magkaroon ng coronavirus pandemic.

Kaya aminado si Herlene na mahirap na mahirap ngayon ang pamumuhay nila.

Sa parte ni Maureen, hindi pa niya alam kung kailan ipalalabas ng Magpakailanman ang kaabang-abang na kuwento ng buhay ni Herlene.

Bukod sa Magpakailanman, nag-taping si Maureen para sa "Ampon ng Kadiliman," ang episode ng Dear Uge na kanyang pinagbibidahan at mapapanood sa Linggo, October 10, 2021.

Ayon kay Maureen, tungkol sa pagpapaampon kay Herlene ang kuwento ng Magpakailanman at sakto umano ito sa episode ng Dear Uge na siya ang bida at may kinalaman din sa pag-aampon ang topic.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maureen Larrazabal on Herlene "Hipon Girl" Budol: "Umiiyak talaga siya dahil sa pain na nararamdaman niya kahit nakikita natin siya na palaging masaya. Ang haba talaga ng hagulgol niya, promise."
PHOTO/S: Maureen Larazabal / Toni Gonzaga YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results