PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, words of wisdom tungkol sa pulitika at mga politiko

Willie, hindi na tatakbong senador sa 2022 elections.
by Jojo Gabinete
Published Oct 8, 2021
Willie Revillame: “Alam niyo, napakahirap ho na pasukin ang pulitika. Yung kaibigan mo ngayon, bukas kaaway mo. Mag-ama, nag-aaway dahil sa posisyon. Mag-asawa, naglalaban dahil sa posisyon. Sayang ho ang buhay. Sayang yung sinasabi natin na pagmamahalan. Sayang yung sinasabi nating paglilingkod sa kapwa."
PHOTO/S: YouTube

"Maraming salamat. I am just here to help everyone."

Ito ang sagot ni Willie Revillame sa mga paghanga at papuring natatanggap niya dahil sa kanyang desisyong huwag kumandidatong senador sa May 2022 elections.

Inanunsiyo ni Willie ang kanyang pasyang huwag pasukin ang mundo ng pulitika sa live telecast ng kanyang programang Wowowin: Tutok To Win kagabi, October 7.

Bukod sa sinabi ni Willie na hindi siya magaling mag-Ingles, walang kaalaman sa paggawa ng batas, at baka lait-laitin lamang siya sa senado, hindi natakot ang popular TV host na aminin ang kanyang mga kahinaan.

Pahayag niya: "Hindi ako nagmamagaling. Hindi ako magaling na tao.

"I am not a bright person, pero ang puso ko ho, laging may pagmamahal.

"Nagkakamali ako. Nagagalit ako. Namumura ko ang staff ko, totoo yon.

"Pagalitan ko, namumura ko talaga sila, pero humihingi ako ng tawad.

"Alam niyo kung bakit? For the show. Dapat laging sa ikabubuti ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat, every time na lalabas tayo, tama ang ginagawa natin.

"Bakit? Bayad tayo dito. Binabayaran tayo at yang trabaho mo, paghusayan mo kung gusto mong umasenso.

"Kung mahal mo ang pamilya mo, mas mahalin mo ang trabaho mo dahil yung trabahong ito ang nagpapakain sa pamilya mo."

Ikinuwento ni Willie na pitong buwan niyang pinag-isipan kung tatanggapin ang alok ni President Rodrigo Duterte na kumandidatong senador.

Sa huli, nanaig pa rin ang kanyang desisyong huwag iwanan ang programa niya sa GMA-7.

Saad niya, “Pitong buwan, araw-gabi. 'Papasukin ko ba ito?' Pero sa nakikita ka ho, napakahirap na gawin nito.

“Sana lahat ng pulitiko, hindi pulitiko. You should be a public servant. The word politics, tanggalin niyo sa puso at isip niyo.

“You need power? At the end of the day, darating, lahat tayo nakahiga. Pantay-pantay lang tayo sa kabaong. Maniwala kayo sa akin.”

WORDS OF WISDOM

Mahaba rin ang mga salitang binitiwan ni Willie nang ibahagi nito ang kanyang words of wisdom—mga simpleng karunungan pero may malalim na kahulugan at kapaki-pakinabang kung isasapuso at isasaisip ng bawat Pilipino, lalo na ng mga pulitikong nagpapanggap na public servants pero gahaman sa kapangyarihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Willie: “Ilang milyong Pilipino ang subscribers ng programang [Wowowin] ito, 25 million. Hindi pa po kasama yung mga nanonood sa araw-araw.

“Alam niyo, napakahirap ho na pasukin ang pulitika. Yung kaibigan mo ngayon, bukas kaaway mo.

“Mag-ama, nag-aaway dahil sa posisyon. Mag-asawa, naglalaban dahil sa posisyon.

“Sayang ho ang buhay. Sayang yung sinasabi natin na pagmamahalan. Sayang yung sinasabi nating paglilingkod sa kapwa.

“Dapat kung maglilingkod tayo, tanggalin ninyo ang galit sa puso niyo.

“Hatred, wala na tayong ginawa kundi magsiraan. Hanapin yung dumi ng kapwa niyo.

“Lahat naman ho tayo nagkakasala, ako, kayo, tayong lahat, pero ganoon pa man, nagsisisi tayo."

Patuloy niya, “Alam niyo, ang hirap, e. Gumawa ka ng mabuti, parang isang bondpaper, puti. Malagyan lang yan ng isang tintang itim yan, ano ang mapapansin ninyo? Yung puti? Hindi, yung tinta. Yung dumi.

“Yun ho ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Walang unity. Tatakbo kayo para makaganti sa darating na mamumuno. Tatakbo tayo para hindi makapasok yung isang mamumuno. Ganoon ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ganoon ba ang pagserbisyo sa bansa natin? ‘Yan ba ang iniisip ng bawat pulitiko?

“Hindi ho ako nagmamagaling. Opinyon ko ho ito dahil sa araw-araw na nasa noontime show ako at araw-araw na naririnig ng boses ko, pambili ng gamot, pangmatrikula, pangkain namin.

“Dapat yan ang pinag-uusapan niyo sa senado. Ano ang ibibigay na batas sa mga taong naghihirap? Anong batas ang gagawin niyo?

“Ilang batas na ang ginawa niyo pero binabago ninyo?

"Dati, may death penalty. After [mawala] ang death penalty, gustong ibalik. Kapag iba ang namumuno, iba na naman.

“Yung batas ng tiyan ng bawat Pilipino, yung batas ng kinabukasan ng bawat bata na walang libro.

“Hindi tayo aasenso hangga’t may galit, may inggit. Laging may seek for power ang gusto niyo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: “Alam niyo, napakahirap ho na pasukin ang pulitika. Yung kaibigan mo ngayon, bukas kaaway mo. Mag-ama, nag-aaway dahil sa posisyon. Mag-asawa, naglalaban dahil sa posisyon. Sayang ho ang buhay. Sayang yung sinasabi natin na pagmamahalan. Sayang yung sinasabi nating paglilingkod sa kapwa."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results