Kim Molina, ikinumpara ang zombie movie nilang Sa Haba Ng Gabi sa Korean zombie series na Kingdom

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2021
Kim Molina, Jerald Napoles, and Candy Pangilinan reunite in the comedy-horror movie Sa Haba Ng Gabi.

Ang comedy-horror movie na Sa Haba ng Gabi ang reunion project nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan.

Nagkasama ang tatlo sa hit Vivamax movie na Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Isang zombie movie ang Sa Haba ng Gabi na buong ningning at pabirong ikinumpara nina Jerald at Kim sa Kingdom, ang 2019 hit South Korean horror thriller na gumawa ng kasaysayan sa Netflix.

“Ito po yung comedy version ng Kingdom. In-imbibe po namin yung Kingdom!” natatawang sabi ni Kim tungkol sa bagong pelikula nila ni Jerald.

Kinunan sa isang mansion sa Tagaytay City ang mga eksena ng Sa Haba ng Gabi.

Kahit matagal nang natapos ang shooting nila, tumatak nang husto sa isip ni Kim ang pagmamalasakit na ipinamalas ng production staff sa kanilang proyekto na dalawang kalamidad ang nalampasan—ang malakas na bagyo at lindol.

“Sobrang dedicated sila [production team] kasi isipin mo, yung art department namin, nagkaroon ng time na biglang nag-earthquake.

Continue reading below ↓

“Habang lumilindol, yung chandelier ng bahay, continuity [scene] sa buong movie, nakatingin sila sa chandelier, ang iniisip nila, 'Paano kung mahulog ito? Paano yung pelikula?'

“Nasa ilalim sila ng chandelier habang lumilindol. Ang iniisip nila, sasaluhin ba nila o hindi? Meron akong, 'Hala, grabe naming dedication ito.'”

Ang Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald at Kim para sa 2021. Ibang-iba ito sa kanilang mga naunang proyekto, ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending.

Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo ang direktor ng Sa Haba ng Gabi.

Halloween presentation ito ng Reality Multi Media Studios at Viva Films, at mapapanood ito sa Vivamax simula sa October 29.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina, Jerald Napoles, and Candy Pangilinan reunite in the comedy-horror movie Sa Haba Ng Gabi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results