"Catfishing" ang tawag sa paggamit ng isang tao ng larawan at impormasyong hindi kanila at kinuha lamang nila mula sa social media account ng ibang tao para magkaroon sila ng bagong online identity.
Sa madaling-salita, panlilinlang ng kapwa ang catfishing.
Noong October 12, 2021, nag-post si Diego Loyzaga sa social media accounts nito ng topless photos niya, kasama ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial.
Caption niya: “When your girl catches you checking yourself out… don’t stop.”
Nag-unahan ang entertainment news sites sa paglalabas ng mga artikulo tungkol sa larawan nina Diego at Barbie na basta na lamang nila dinampot.
Hindi nag-aksaya ng panahon ang ilang entertainment writers na alamin ang tunay na kuwento kaya naging biktima sila ng mga lumang litrato nina Diego at Barbie.
"Catfishing" ang salitang ginamit ni Diego nang ikuwento nito ang totoong istorya sa likod ng viral photos nila ng kanyang girlfriend.
“I’m catfishing you guys. That photo was taken way way back, early this year, before I got COVID, before I got fats again but I’m working out again,” walang paligoy-ligoy na sabi ni Diego sa panayam ng Cabinet Files.
Aminado si Diego na nahihirapan siyang ibalik ang dating hugis ng kanyang katawan.
Aniya, “It’s not easy. It’s like good six to eight months of non-stop working out, dieting, nung time na ‘yon.
"Again, now, salmon lang or chicken breast ang kinakain ko, high protein, low carbs.
"Trial and error kasi ang working out. The advice I could give you, it could not work for you but it does work for me but more or less, yun na rin ‘yon."