PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mr. Gay World 2020 Kodie Macayan on challenges in virtual pageant

Pinas, posible kayang maka-three-peat victory sa Mr. Gay World 2021?
by Jojo Gabinete
Published Oct 25, 2021
Mr. Gay World 2020 Kodie Macayan, inaming mas maraming pagsubok sa virtual pageant kumpara sa normal na face-to-face competition: “Ang feeling ko, mas mahirap ang virtual pageant sa face-to-face dahil mahirap ang set-up."

Si Kodie Macayan ng Pilipinas ang nanalong Mr. Gay World 2020 sa virtual coronation night na naganap noong October 17, 2021.

Marami ang nagtaka dahil mangyayari agad ang virtual pageant para sa Mr. Gay World 2021 sa October 30, 2021.

Kodie Macayan

Para mabigyang-linaw ang isyu, hiningi ng Cabinet Files ang paliwanag ni Kodie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Sabay ang reign namin until next year ng kokoronahan na Mr. Gay World 2021 sa October 30 sa South Africa, pero October 31, 2:00 a.m. sa Pilipinas. Okay lang naman po sa akin na may ka-share sa spotlight.

“Magkasunod ang virtual coronation ng Mr. Gay World 2020 at Mr. Gay World 2021 nang ma-postpone ang pageant last year dahil sa coronavirus pandemic.”

Back-to-back win ang nangyari sa mga kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Gay World dahil si Kodie ang successor ni Janjep Carlos, ang Mr. Gay World 2019 winner.

Si Joel Rey Carcasona ng Cebu ang official delegate ng Pilipinas sa virtual competition ng Mr. Gay World 2021. Kung papalaring magwagi, gagawa siya ng back-to-back-to-back win history.

Joel Rey Carcasona

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OFFICIAL REIGN

Cash prize, trophy, at sash ang mga premyo ni Kodie bilang Mr. Gay World 2020. Hinihintay na lamang niya na ipadala ng Mr. Gay World Organization ang kanyang mga napanalunan.

“Hindi ko pa alam kung kailan darating. Actually, hinihintay ko ang announcement ng winner next Sunday kasi doon kami pormal na imi-meet virtually ng buong organization ng Mr. Gay World.

“Officially, magsisimula ang reign ko after the coronation sa Sunday at isahan na meeting na lang ang gagawin dahil parehas kaming maghahati sa reign,” dagdag ni Kodie.

Ang isulong ang mga adhikain ng Mr. Gay World Foundation at dumalo sa mga pageant ng Mr. Gay World sa iba’t ibang bansa ang ilan sa mga responsibilidad ni Kodie bilang Mr. Gay World 2020, pero nagkaroon siya ng mga limitasyon dahil sa pandemya.

Lahad pa niya, “Supposedly, next month, may Mr. Gay World 2022 sa USA. I was hoping to join but since late na yung panalo ko, hindi ko naasikaso ang US visa ko. Janjep Carlos will crown the winner.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hopefully, maka-join ako sa ibang pageant ng Mr. Gay World.”

Ano ang mga panghihinayangan ni Kodie dahil nanalo siyang Mr. Gay World 2020 sa panahon ng pandemya?

Detalye niyang saad, “Nawala ang travel abroad, kasi nga handang-handa ako.

“Pinaghirapan ko, na-conceptualize ko na lahat ng mga wardrobe ko na collaborations ko with different designers kasi gusto ko iba yung magiging presentation ko.

“Pinanghihinayangan ko rin na wala kaming audience, walang face-to-face interaction sa delegates.

“Ang feeling ko, mas mahirap ang virtual pageant sa face-to-face dahil mahirap ang set-up.

“I had to learn to put make up on my face and then, ayusin ko yung buhok ko na ako lang.

“Mahirap mag-set up ng camera and lighting dito sa bahay so I had to find the most beautiful spot at home.

“Buti na lang yung bahay namin, maraming ilaw at may Christmas tree na kami na naka-set up, so doon ako palagi nagkukuha ng mga video para lang maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pre-recorded ang lahat ng mga segment namin sa virtual pageant ng Mr. Gay World 2020 kaya hindi ko alam kung maganda ba yung rampa ko, maganda ba ang Q&A [question and answer] ko. Okay ba ako sa stage and all?

“Hindi ko alam kung na-convince ko ang judges sa answer ko dahil hindi naman live ang encounter namin. Ipagdarasal mo na lang talaga. Napanood na lang namin ang lahat noong nag-live streaming sa YouTube.”

Hindi umasa si Kodie na siya ang magiging pangatlo sa mga Pilipinong makakakuha sa korona ng Mr. Gay World, pero ginawa niya ang lahat ng makakaya para hindi siya magkaroon ng pagsisisi sa bandang huli.

Pag-amin niya, “Ang ginawa ko na lang, I studied the handbook na ibinigay ng Mr. Gay World Organization.

“Pinag-aralan ko siya at nag-strategize na lang ako. Since it’s a virtual pageant, inisip ko na magre-rely ang lahat sa presentation namin sa harap ng camera, especially sa social media posts namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I made sure that I protected my brand on social media like whatever I post, I plan it ahead of time, even sa mga caption ko sa photos.

“It should have sense, it should be educating other people…”

Bilang reigning Mr. Gay World, may mga payo si Kodie kay Joel na nanalo bilang Mr. Gay World Philippines 2021 noong lamang July, kaya hindi sapat ang panahon ng paghahanda niya para sa international gay pageant na lalahukan.

Pahabol niya, “Si Joel, nanalo na Mr. Gay World Philippines 2021 noong July lang so talagang maiksi ang panahon na nakapag-train po siya.

“But we have trainings together virtually sa Kagandahang Flores.

“Unfortunately, hindi maka-fly si Joel sa Manila so hindi siya nakapag-train nang face-to-face kay Tito Rodgil Flores.

“I told him to be active on social media, kahit naiirita na sa 'yo ang Facebook friends and followers mo sa mukha mo.

"Two weeks lang naman, kasi that’s how you can campaign. Libre naman ang Facebook."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mr. Gay World 2020 Kodie Macayan, inaming mas maraming pagsubok sa virtual pageant kumpara sa normal na face-to-face competition: “Ang feeling ko, mas mahirap ang virtual pageant sa face-to-face dahil mahirap ang set-up."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results