PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Faith Da Silva on being the "doppelganger" of Pia Wurtzbach?

Faith, hindi pa tinutupad ang pangakong dadalawin ang amang si Dennis Da Silva.
by Jojo Gabinete
Published Oct 25, 2021
Sa presscon ng Kapuso afternoon drama series na Las Hermanas, kapansin-pansin ang royal blue dress na suot ni Faith Da Silva (kaliwa) na magpapaalala sa suot ni Pia Wurtzbach (kanan) nang koronahan itong Miss Universe noong 2015.
PHOTO/S: @faithdasilva_ on Instagram / Miss Universe Organization

Tila may epekto kay Faith Da Silva ang mga obserbasyong malaki ang pagkakahawig niya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Napansin ito sa nakaraang virtual media conference ng Las Hermanas dahil sa style at kulay ng royal blue dress na suot ng Kapuso actress.

Nagpaalaala ito ng gown na ginamit ng Filipina beauty queen nang manalo siyang Miss Universe noong December 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Parang pinaninindigan ni Faith ang pagiging "doppelganger" ni Pia, na ilang beses nang nakitang royal blue ang kulay ng mga outfit.

Gaya ng dating Miss Universe, tiniyak ni Faith ang pagsali sa isang national beauty pageant pero sa panahong handang-handa na siya.

Tatlong beses sumali sa Binibining Pilipinas si Pia bago nito nakuha ang pangarap at karapatang maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na taon naman ang hinintay ni Faith bago siya nabigyan ng GMA-7 ng malaking break bilang isa sa tatlong bida ng Las Hermanas, ang afternoon drama series na pinagbibidahan nila nina Yasmien Kurdi at Thea Tolentino.

Mapapanood ito simula ngayong Lunes, October 25, 2:30 p.m.

ON VISITING HER FATHER IN PRISON

Ang ama ni Faith ay ang dating aktor na si Dennis Da Silva.

Hinatulan ng life imprisonment si Dennis ng Branch 261 ng Regional Trial Court (RTC) ng Pasig City noong February 7, 2020 dahil sa mga kasong rape at child abuse na isinampa ng dati niyang live-in partner.

Mahigit apat na taon nang nakakulong si Dennis sa Special Intensive Care Area (SICA) ng Metro Manila District Jail sa Taguig City bago siya nahatulang guilty.

Labing-isang (11) taon namang nakapiit sa Pasig City Jail si Dennis bago siya dinala sa SICA.

Noong February 2021, inilipat na siya sa national penitentiary, sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City para dito pagdusahan ang hatol sa kanya habang nakaapela sa Court of Appeals ang mga kaso niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa interbyu sa 20-year-old actress sa mediacon ng Las Hermanas, sinabi niyang may komunikasyon na sila ng kanyang ama.

Ang asawa ni Dennis na si Tina King Da Silva ang nagkuwento sa Cabinet Files na matagal nang walang dalaw si Dennis mula nang magkaroon ng pandemya dahil naghigpit sa pagtanggap ng mga bisita ang pamunuan ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Isa sa mga ikinalulungkot ni Tina ay namatay noong October 1, 2021 ang ina ni Dennis dahil sa katandaan, pero hindi ito nakita ng kanyang asawa sa huling sandali.

Sa pagkakaalam ni Tina, dalawang taon pa lamang si Faith nang huli itong makita ni Dennis. Kahit wala pang pandemya, hindi nadalaw ng aktres sa kulungan ang kanyang ama.

Hindi naitago ni Tina ang tampong nararamdaman dahil sa hindi natupad na pagdalaw ni Faith kay Dennis.

Sabi ni Tina sa Cabinet Files, “Ilang beses na rin kasi nilang sinabi sa akin na dadalaw sila pero nagka-pandemic na at hindi na natuloy. So, para kay Dennis, magkikita sila kung magkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Usually, sa akin nakikibalita si Faith, pero that was last year bago pa mahatulan ang daddy niya.

“Pero I stopped communicating with them kasi nga nag-chat sila sa akin na gusto nilang dumalaw.

"Siyempre, kapag dumadalaw ako noon kay Dennis, sinasabi ko, tapos bogus pala. Nasasaktan ako kapag nakikita ko na na-disappoint si Dennis.

"Kaya sa amin, kung dadalaw sila, dumalaw na lang sila. Huwag nang magpasabi sa akin.

“Siyempre, tatay pa rin si Dennis. Gusto rin niyang makita ang anak niya kaya mahirap lang magpaasa.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa presscon ng Kapuso afternoon drama series na Las Hermanas, kapansin-pansin ang royal blue dress na suot ni Faith Da Silva (kaliwa) na magpapaalala sa suot ni Pia Wurtzbach (kanan) nang koronahan itong Miss Universe noong 2015.
PHOTO/S: @faithdasilva_ on Instagram / Miss Universe Organization
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results