Kilalanin ang kinoronahang Miss Universe Thailand 2021 na si Anchilee Scott-Kemmis...

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2021
Ang six-feet tall at Thai-Australian na si Anchilee Scott-Kemmis (in photo) ang itinaghal na Miss Universe Thailand 2020. Isa siya sa mga makakalaban ni Miss Universe Philippines 2021 Bea Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel sa December.
PHOTO/S: @missuniverse.in.th on Instagram

Kung member ng LGBTQ+ community ang pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez, plus-size naman ang official representative ng Thailand sa prestigious beauty pageant na magaganap sa December 2020 sa Eilat, Israel.

Ang 22-year-old Thai-Australian na si Ann “Anchilee” Scott-Kemmis ang kinoronahang Miss Universe Thailand 2021 noong Linggo, October 24.

Six-feet ang height ni Anchilee at malaking bulas, kaya ayon sa Thai media, siya ang kauna-unahang plus-size Miss Universe kapag siya ang pinalad na manalo.

Continue reading below ↓

Pero hindi si Anchilee ang unang plus-size beauty queen na sasali sa Miss Universe dahil plus-size din ang kategorya ni Siera Bearchell, ang official delegate ng Canada at kasali sa Top 9 candidates ng 65th Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong January 2017.

Naranasan ni Anchilee na maging biktima ng body-shaming dahil sa hugis ng kanyang katawan kaya isinusulong niya ang online social movement na #RealSizeBeauty para bigyang-kapangyarihan ang mga kababaihan.

“Real-size beauty is about celebrating your individuality, your aspects of diversity and your unique qualities within you.

“It’s about being proud of who you are and where you’ve come from and it’s not limited to shapes and sizes.

“I think it will empower women particularly Thai women by really showing how liberating it is once you accept yourself for who you are and celebrate your individuality,” paliwanag ni Anchilee tungkol sa advocacy nito sa isang interbyu bago niya napanalunan ang korona ng Miss Universe Thailand 2021.

Continue reading below ↓

Bukod sa biktima noon ng body-shaming, naranasan ni Anchilee na masabihang magbawas ng timbang noong bata pa siya na dahilan para kausapin niya ang mga kabataang problemado sa kanilang plus–size na pangangatawan.

“You feel a sense of moral responsibility and social responsibility to stand up for them and do what is right and to be a representation for the young kids who look into television shows, magazines, modelling shoots, whatever it maybe and not seeing themselves there.

“So you want to pave the way aand continue paving the way for our younger generation, who will be our future.”

Kabilang si Anchilee sa top Thai models na hindi pabor na tawagin silang plus–size models dahil isa itong uri ng diskriminasyon para sa kanila.

Inamin ni Anchilee na noong una, dinaramdam niya ang plus-size model na tawag sa kanya ng Thai media.

Saad niya, “So the word that we tend to associate ourselves with more is curve model.

Continue reading below ↓

“No one really wants to be called plus-sized, we all have our own curves and parts of our bodies that don’t fit the norm.

“I think we should just be called models. If that’s our occupation, you don’t need to add the curve or the plus or the sample size.

"I think it causes too much segregation and divide when it doesn’t have too."

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang six-feet tall at Thai-Australian na si Anchilee Scott-Kemmis (in photo) ang itinaghal na Miss Universe Thailand 2020. Isa siya sa mga makakalaban ni Miss Universe Philippines 2021 Bea Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel sa December.
PHOTO/S: @missuniverse.in.th on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results