Love, Die, Repeat on hold dahil sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado

by Jojo Gabinete
Oct 31, 2021
Following Jennylyn Mercado's pregnancy announcement, Kapuso fans wonder what will happen to her Kapuso series Love, Die, Repeat.
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram

Ano ang magiging kapalaran ng Love.Die. Repeat series nina Jennylyn Mercado at Xian Lim?

Dalawang araw matapos ianunsiyo ni Jennylyn ang kanyang pagbubuntis, naglabas siya ng pahayag tungkol sa kahihinatnan ng kanyang TV project.

Nakasaad sa kanyang social-media post ngayong umaga, October 31, 2021, "Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish Love, Die, Repeat next year once I am ready to work again.

"Sobrang thankful ako at tuloy pa rin ang show."

Hinihintay pa ang official statement ng GMA-7 Entertainment TV, pero base sa sinabi ng three months pregnant na si Jennylyn, on hold ito until bumalik siya sa trabaho.

Sa pagpapatuloy ni Jennylyn, "I love my GMA family, from the moment I started as an actress na-feel ko na hindi lang ako artista sa network, kungdi parte ng pamilya nila.

"Madami akong pinagdaanan at kung wala ang GMA hindi ko alam kung malalagpasan ko eto.I am blessed to be a Kapuso," ang pahayag ni Jennylyn.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang taping ng Jennylyn-Xian starrer noong September 2021. Nasa set ang aktres nang malaman nito ang kanyang kalagayan.

Plano sana ng GMA-7 na ipalabas sa telebisyon ang Love.Die.Repeat sa first quarter ng 2022, pero nagkaroon ng malaking pagbabago dahil nga sa pagbubuntis ni Jennylyn.

Samantala, sa recent interviews nina Jennylyn at Dennis Trillo, taong 2018 nang planuhin nila ang pagbubuntis ni Jen, pero nagkaroon raw ng fertility issue ang aktres kaya kinunsidera nila ang surrogacy noong March 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Following Jennylyn Mercado's pregnancy announcement, Kapuso fans wonder what will happen to her Kapuso series Love, Die, Repeat.
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results