Dennis Trillo, Jennylyn Mercado confirm engagement, actress' pregnancy

by Rachelle Siazon
Oct 29, 2021
Dennis Trillo's proposal to Jennylyn Mercado after almost eight years of being a couple: "Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito. Inisiip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon. Pero siniguro ko muna talaga kapag nangyari iyon, ito na yung best version ko."
PHOTO/S: Jennylyn Mercado YouTube

"We're getting married."

Ito ang kumpirmasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ngayong Biyernes ng gabi, October 29, 2021.

Ibinahagi ni Dennis na simple pero "heartfelt" ang marriage proposal niya kay Jennylyn.

Naganap daw iyon sa bahay ng aktres noong October 8.

"Siyempre, gusto ko di masyadong magarbo. Sa panahon ngayon dapat maging praktikal.

"Ginawa ko yung pinakasimple, pero at the same time, heartfelt," sabi ni Dennis sa joint interview nila ni Jennylyn sa 24 Oras ng GMA-7.

Madalas ay nasa kuwarto lang si Jennylyn, pero pinababa raw siya ni Dennis sa dining area sa first floor ng bahay ng aktres para kunwa'y mayroon silang isu-shoot na video.

Kuwento ni Jennylyn, "Wala akong ka-idea kasi di ako masyado bumababa ng first floor ng bahay.

"Pero nung time na yun, sinabi sa akin ni Dennis na kailangan ko daw bumaba dahil may isu-shoot daw kami na future message sa aming future selves.

Continue reading below ↓

"Nagkaroon ako ng kutob kasi seryoso siya magsalita, tapos seryoso niya akong kinakausap.

"Tapos lumuhod, tapos nagulat na ako bumukas yung pinto."

JENNYLYN IS NINE WEEKS PREGNANT

Kasunod ng anunsiyong sila ay engaged na, ibinalita rin nina Dennis at Jennylyn na magkaka-baby na sila.

Pahayag ni Dennis, "Nangyari yung proposal dito lang sa bahay dahil maraming factors na naging dahilan kaya dito na lang ginawa.

"Unang-una, mahirap lumabas ngayon, tapos sa kondisyon ni Jen ngayon.

"Hindi na masyado makalabas ng bahay kasi medyo maselan ang pinagdadaanan..."

Nang tanungin kung buntis si Jennylyn, masaya itong kinumpirma ng couple.

"Positive ako!" natawang bulalas ng Kapuso actress.

Sabi naman ni Dennis, nine weeks pregnant na si Jennylyn.

Nalaman nilang nagdadalantao ang aktres habang nasa taping ito ng GMA-7 prime-time series na Love.Die.Repeat. kunsaan katambal ni Jennylyn si Xian Lim.

"Ito, nangyari two months ago. Dun ko na-feel na medyo iba ako, e. Medyo emotional ako. Medyo iba yung pakiramdam ko," saad ni Jennylyn.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang couple dahil matagal na raw nilang hiling na magka-baby sila.

"Sa tamang oras, pagkakataon, na ready ka na siguro, saka ibibigay sa 'yo," ani Jennylyn.

Hiling nilang baby girl ang kanilang anak.

Pareho na raw kasi silang may anak na lalaki—si Alex Jazz na anak ni Jennylyn sa ex-boyfriend na si Patrick Garcia at si Calix na anak ni Dennis sa ex-girlfriend na si Carlene Aguilar.

DENNIS "BEST VERSION" OF HIMSELF WITH JENNYLYN

Ang kuwento ng proposal ni Dennis kay Jennylyn ay ipinalabas sa YouTube nila nito ring Biyernes ng gabi.

Isang madamdaming speech ang inihanda ni Dennis na nagpaiyak kay Jennylyn.

Bakas sa boses at sa seryosong hitsura ni Dennis na sinsero ang bawat salitang binitiwan niya para sa kasintahan.

Sabi ni Dennis: "Ito yung araw sa buhay natin na magbabago na talaga...

"Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito."

Continue reading below ↓

Singit ni Jennylyn, "Siyempre naman."

Patuloy ni Dennis: "Inisiip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari.

"Hindi pa kasi ako ready noon. Pero siniguro ko muna talaga kapag nangyari iyon, ito na yung best version ko.

"Gusto ko mag-thank you sa 'yo kasi tinulungan mo ako na maging ganun.

"Akala ko dati okay na ako, pero ang dami ko pa lang improvements, sobra."

Sa puntong ito, makikitang pareho nang naluha sina Dennis at Jennylyn.

Kaya nahinto ang speech ni Dennis dahil nagpakuha ng tissue si Jennylyn.

Pagbalik ni Dennis, inihayag nito kung gaano niya na-appreciate ang pagmamahal sa kanya ng nobya.

"Salamat talaga at dumating ka ulit sa buhay ko," patuloy ng aktor.

"Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng pagmamahal na katulad ng binigay mo sa akin kasi talagang sagad, e, at ramdam na ramdam ko yun.

"Ikaw lang ang gusto kong makasama. Ikaw at yung bagong addition sa pamilya natin. Isa yun sa mga pangarap ko."

Continue reading below ↓

DENNIS'S PROPOSAL TO JENNYLYN

Saka bumukas ang sliding door sa dining area at bumulaga ang balloons set-up na "MARRY ME?" para sa proposal ni Dennis.

Hanggang sa proposal ay umiral ang typical na kulitan ng magkasintahan.

Isinuot na kasi ni Dennis ang singsing kay Jennylyn at patuloy na nagsalita nang biglang humirit si Jennylyn, "Hindi pa ako sumasagot..."

Saka lamang nagtanong si Dennis ng, "Will you marry me? Pakakasalan mo ba ako?"

Matamis na napahalakhak si Jennlyn at mabilis na sumagot ng "Oo naman!"

Halatang na-carried away kasi si Dennis sa sobrang saya sa pagkakataong iyon.

Mahigpit na nagyakapan ang magkasintahan pagkatapos nito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo's proposal to Jennylyn Mercado after almost eight years of being a couple: "Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito. Inisiip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon. Pero siniguro ko muna talaga kapag nangyari iyon, ito na yung best version ko."
PHOTO/S: Jennylyn Mercado YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results