Single mother na aktres, natagpuan ang lalaking mamahalin sa set ng proyektong pinagsamahan nila

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Tiyak na ang pagkakaroon ng Merry Christmas ng single mother actress dahil natagpuan na niya ang lalakeng kanyang mamahalin.

Nakilala ng aktres ang current boyfriend niya sa set ng proyekto nila, at alam ng mga kasamahan ng dalawa sa trabaho ang kanilang pagmamahalan.

Matagal nang walang napapabalitang karelasyon ang aktres dahil ibinuhos nito ang panahon at atensiyon sa kanyang nag-iisang anak na showbiz personality na rin.

Malayang-malaya naman ang boyfriend ng aktres, pero tanging sila lamang ang nakakaalam kung bakit hindi pa nila inaamin sa publiko ang kanilang pag-iibigan.

Makikita sa mga social media post ng aktres na maligayang-maligaya ito, kaligayahang hindi pa niya handang ibahagi sa fans at supporters kaya wala siyang inilalagay na larawan ng kanyang kasalukuyang inspirasyon.

Kung sakaling magkaroon na ng lakas ng loob ang aktres na isiwalat sa publiko ang katauhan ng lalakeng nagpapasaya sa kanya ngayon, siguradong pag-uusapan at pagpipistahan ito ng mga tao tulad ng nangyari sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado sa panganay nila ni Dennis Trillo at sa pag-amin nina McCoy de Leon at Elisse Joson na may anak sila na inilihim.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results