Kim Atienza, makakasama na nina Camille Prats at Iya Villania sa Mars Pa More

by Jojo Gabinete
Nov 3, 2021
Simula sa Lunes, November 8, makakasama na nina Iya Villania (gitna) at Camille Prats (kanan) si Kim Atienza (kaliwa) sa Kapuso morning program na Mars, na may bago nang titulo, Mars Pa More With Pars Kim Atienza.
PHOTO/S: GMA Network

Simula sa darating na Lunes, November 8, 2021, mapapanood na si Kim Atienza bilang co-host nina Iya Villania at Camille Prats sa Mars Pa More, ang morning show ng GMA-7.

May bago na rin itong pamagat—Mars Pa More with Pars Kim Atienza.

Ang Mars Pa More with Pars Kim Atienza ang ikatlong programa ni Kuya Kim buhat nang lumipat siya sa Kapuso Network noong nakaraang buwan.

Ang naunang dalawa ay ang 24 Oras ng GMA-7 at Dapat Alam Mo! ng GTV.

Ipakikilala si Kuya Kim sa Mars Pa More bilang opisyal na Pars (mula sa salitang pare) ng show, na may bago at engrandeng studio set na hinahangaan niya, pati na ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga empleyado ng Kapuso Network.

“I just feel so warmly welcomed and so loved in my new home, being a Kapuso.

“I’m just so overwhelmed that God has been so good to me and the timing was so impeccable and the transition was so seamless,” pahayag ni Kuya Kim sa virtual media conference ng Mars Pa More with Pars Kim Atienza nitong Miyerkules ng umaga, November 11, nang ipakilala siya bilang bagong miyembro ng programa nina Iya at Camille.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, “When I started taping with Iya and Cam and the whole Mars family, I just realized that the show was fun to do. Nabibitin ako, gusto ko pang mag-taping pa nang mas matagal.

“When I moved to GMA 7, I was expecting to be partnered with Drew [Arellano, Iya’s husband], e, si Iya pala ang nakatadhana na makasama ko sa dalawang shows.”

Magkasama rin sina Kuya Kim at Iya sa 24 Oras.

Isang malaking sorpresa para kina Iya at Camille nang sabihin sa kanilang makakasama nila si Kim sa Mars Pa More. Pero ikinatuwa ng dalawa ang desisyon ng management.

Ayon kay Iya, “This is something that Cam and I never saw coming, but it was such a pleasant surprise. Kasi nga naman, masyado nga tayong maka-Mars, kaya it’s so refreshing to have the opinion of a Pars.

“At saka hindi lang opinyon ng kung sinu-sinong Pars lang. Opinyon ni Kuya Kim na kung anuman ang lumabas sa bibig niya, maniniwala kami.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Camille, “When they told us that Kuya Kim will be a part of the show, it was really unexpected. It was a surprise to us kasi nga ang intindi namin ni Mars.

“Kuya Kim is a Pars pero na-realize namin ni Mars, along the way, mas na-excite kami.

"Kasi yung Mars Pa More not only wants to cater sa mga nanay out there but also to kids. So, si Kuya Kim is definitely the one who’s gonna be sharing all his trivias.

“Lahat ng kaalaman niya, pasok na pasok na yun para sa mga bagets na nanonood sa amin tuwing umaga.

“At the same time, ang mga Pars, meron nang magtatayo ng bandila nila. Ipaglalaban ni Kuya Kim ang kanilang mga stand.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa Lunes, November 8, makakasama na nina Iya Villania (gitna) at Camille Prats (kanan) si Kim Atienza (kaliwa) sa Kapuso morning program na Mars, na may bago nang titulo, Mars Pa More With Pars Kim Atienza.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results