PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cindy Miranda cries foul over bashers amid Kylie-Aljur breakup

Cindy on deleting comments of bashers: "Ayoko talaga. Hindi sila dapat welcome."
by Jojo Gabinete
Published Jul 28, 2021
Cindy Miranda nanindigang hindi siya ang third party sa Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup: "Naikuwento naman po ‘yan sa akin ni Aljur, pero hindi ko po talaga alam yung detalye... We’re friends. Very professional po yung naging trabaho namin ni Aljur.
PHOTO/S: @cindy / PROUDRAD PHOTOGRAPHY VIA @KYLIENICOLEPADILLA

Nanindigan si Cindy Miranda na walang katotohanang may kinalaman siya sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Kaya aminado ang sexy actress na nasaktan siya sa pro-Kylie netizens na pinaratangan siyang "kabit," "pokpok," at "bobo" gayong wala namang sapat na basehan ang mga ito.

Si Aljur ang leading man ni Cindy sa Nerisa, ang sexy drama movie ng Viva Films na mapapanood sa VivaMax streaming site simula sa Biyernes, July 30, 2021.

Lahad ni Cindy: "Parang lahat ng masama, naibigay sa akin. Pokpok, kabit, bobo...

"Pati nga po bobo, hindi ko po naintindihan [anong basehan nila].

"Alam mo yung masyadong sinukat yung pagkatao mo na hindi ka nila kinilala? Masakit lang kahit ayaw mong maapektuhan.

"Sa sobrang dami po talaga, may time na talagang nakatutok ako sa Instagram ko because I delete the comments."

Sa halip na patulan ang bashers, minabuti raw ni Cindy na alisin na lang ang nega vibes sa kanyang Instagram feed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Ayoko talaga. Hindi sila dapat welcome. Hindi po ako ma-social media na tao. I don’t really post that much.

"Pangit naman na makita ng ibang tao na 'Oh my God, ano ba itong mga naka-comment dito.'

"I just delete. Ayoko siyang patulan kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ba yung nasa isip nila."

Hindi raw kailangang umabot sa puntong makikipag-away siya sa bashers.

"Gusto ko lang po i-delete para hindi ko na uli mabasa kasi ang pangit na nasa page ko ‘yan di ba?

"Ayoko naman i-force sila na maniwala sa akin, pero lalabas din naman po yung totoo."

Sumalang si Cindy sa solo virtual conference para sa Nerisa ngayong Miyerkules, July 28.

Sa unang virtual media conference ng Nerisa noong July 8, hindi nabigyan ng pagkakataon si Cindy na ipagtanggol ang sarili dahil ipinagbawal ang mga personal na katanungan sa Q&A.

CINDY: I'M NOT THE THIRD PARTY

Pero diretsahan niyang hinarap ang isyu ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imposible raw na siya ang third party dahil nangyari ang hiwalayan nina Kylie at Aljur bago pa nila ginawa ang Nerisa.

May 24 nang mag-story conference ang cast ng pelikula.

Noong July 27 pumutok ang balitang hiwalay na sina Kylie at Aljur, base sa pahayag ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Ayon kay Cindy: "Nagulat ho ako kasi narinig ko na iyang isyu na iyan before pa po mag-start yung Nerisa.

"I think, na-timing-an lang po yung interbyu ni Sir Robin Padilla, so they thought na ako yung naging dahilan.

"But then, kung malalaman po nila yung timeline, it was really before Nerisa pa nangyari ‘yan."

Nang magsimula na silang magtrabaho ni Aljur ay nabanggit nga raw ng aktor ang tungkol sa breakup nila ni Kylie.

"Naikuwento naman po ‘yan sa akin ni Aljur, pero hindi ko po talaga alam yung detalye.

"I think Aljur answered na po yung mga ganyang question sa ibang interviews.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi po talaga totoo yung naging isyu na ‘yon."

Paglilinaw pa ni Cindy, "We’re friends. Very professional po yung naging trabaho namin ni Aljur.

"Sana suportahan na lang yung film, lalo na yung fans ni Aljur.

"Ang tagal din po na hindi nagkaroon ng movie ni Aljur. Sana suportahan po nila si Aljur."

WHAT CINDY WOULD DO IF SHE'S IN KYLIE'S SHOES

Hindi magkakilala nang personal sina Cindy at Kylie, pero may sagot ang dating beauty queen nang hingan ng mensahe para sa mga kababaihang nahiwalay sa asawa.

Maingat naman sa pagbitiw ng salita si Cindy tungkol sa sinabi ni Robin na nakipaghiwalay si Kylie kay Aljur dahil sa third party.

Ayon kay Cindy: "Si Kylie po, hindi ko pa siya nami-meet talaga in person. Napapanood ko po siya, siyempre ang tagal na rin po niyang artista.

"Sinabi ko nga kay Aljur, kung anuman ang problema, kung meron man talaga, I really wish talaga na maayos ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po talaga natin alam kung totoo po talaga, but if ever man na totoo po, stay strong."

Kung may natitira pa raw na pagmamahalan ay mas maiging magkaayos daw ang isang naghiwalay na couple.

"I think, lahat naman ng bagay, puwedeng ayusin lalo na kung gusto po nating ayusin.

"Sana, huwag tayong mag-give up sa mga bagay na mahal natin na kaya nating gawan ng paraan.

"At huwag tayong magpatalo sa mga tao na nakikisawsaw, maraming nag-iisyu ng kung anu-ano [dahil] lalo nilang pinalalala.

"Panghawakan mo lang kung ano yung pinaniniwalaan mo. Ipaglaban mo hanggang kaya mo yung bagay na gusto mo at sana mag-succeed ka."

Ikinasal sina Aljur at Kylie noong December 11, 2018.

Sa huling pahayag ni Kylie, nilinaw niyang siya ay nasa proseso ng "moving on" at hindi na raw para magsisihan pa.

Sinisikap daw nila ni Aljur na maging maayos ang co-parenting status nila para sa kanilang dalawang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parte ni Aljur ay masaya rin daw ito sa estado ng buhay niya ngayon.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda nanindigang hindi siya ang third party sa Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup: "Naikuwento naman po ‘yan sa akin ni Aljur, pero hindi ko po talaga alam yung detalye... We’re friends. Very professional po yung naging trabaho namin ni Aljur.
PHOTO/S: @cindy / PROUDRAD PHOTOGRAPHY VIA @KYLIENICOLEPADILLA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results