Snooky Serna, okay lang masabihang "praning" dahil sa mga kundisyon niya sa taping

by Jojo Gabinete
Nov 5, 2021
snooky serna covid
Snooky Serna on overcoming mental health problem during this pandemic: "The best thing really is to surround yourself with people who matter to you. Siyempre, dapat lakasan ang pananampalataya dahil malaking tulong talaga ito to ease your mind."
PHOTO/S: @snookyserna4466 on Instagram

Hindi inililihim ni Snooky Serna ang pakikipaglaban nito noon sa chronic-manic depression.

Sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files, kinumusta namin ang kalagayan ng mental health niya sa panahon ng coronavirus pandemic.

Hindi itinanggi ni Snooky na, tulad ng karamihan, traumatic sa kanya ang pandemya dahil matagal talaga siyang hindi lumabas mula sa bahay niya.

Lahad ng aktres, “The pandemic can be very traumatic, lalo pa na I isolated myself for two months during the first wave of the lockdown.

When I came back from abroad last February 2020, because I attended the international screening of In The Name of the Mother in Europe, I experienced COVID-like symptoms—zero smell and zero taste.

"So my doctor asked me to isolate but, thankfully, God turned the trauma for my own good."

Ano mga ginawa mo para mapaglabanan ang mental health problems na hatid ng pandemya at ano ang tips na puwede mong ibahagi sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon?

Continue reading below ↓

Ayon kay Snooky, “The best thing really is to surround yourself with people who matter to you.

“Siyempre, dapat lakasan ang pananampalataya dahil malaking tulong talaga ito to ease your mind.

"Naging therapy din sa akin ang panonood ng mga inspirational at educational documentaries."

Sa kabila ng mga malulungkot na pangyayari na hatid ng pandemya, naghatid ito kay Snooky ng magandang karanasan dahil nakapagbuo siya ng prayer group.

“Magandang experience for me is I was able to form an online prayer group. Naka-Zoom kami and it is always an engaging experience, spiritually and even mentally.

“I realized that my life in God’s hands alone and that above all, it is our relationship with God that matters.

“By the grace and mercy of our beloved God and father, my faith is being strengthened each day and my gratitude for the graces I have through Christ Jesus.”

DEAR UGE GUESTING

Ang malakas na pananalig ni Snooky sa Panginoong Diyos ang naging sandata niya para magkaroon siya ng tapang na tumanggap ng mga TV assignment tulad ng "Pusa Cath," ang episode ng Dear Uge sa darating na Linggo, November 7, 2021.

Continue reading below ↓

Pero bago tanggapin ang mga alok na TV guesting, sinasabi ni Snooky sa kanyang manager ang mga kundisyon niya bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

“I always ask my manager to tell the production about my concern regarding safety protocols, that should be a priority.

“On location, I use my mask as often as I can. I rub alcohol on my hands and spray it on surfaces. I do social distancing when possible.

“I don’t mind being called praning, but it’s better to stay safe than sorry,” sabi ni Snooky.

Si Bianca Umali ang co-star ni Snooky sa Sunday episode ng comedy anthology ni Eugene Domingo.

Natuwa si Snooky dahil muli silang nagkasama ng young actress na nakatrabaho niya noong 2019 sa Sahaya, ang primetime drama series ng GMA-7.

Aniya, “It is always fun taping for Dear Uge. Needless to say, nag-enjoy ako sa taping ng episode na ito dahil magkasama kami ni Bianca Umali na nakatrabaho ko noon sa Sahaya.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Snooky Serna on overcoming mental health problem during this pandemic: "The best thing really is to surround yourself with people who matter to you. Siyempre, dapat lakasan ang pananampalataya dahil malaking tulong talaga ito to ease your mind."
PHOTO/S: @snookyserna4466 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results