Si John Lloyd Cruz ba ang aktor na "happy to be back" sa GMA-7 sa November 9?

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2021
John Lloyd Cruz Kapuso
Si John Lloyd Cruzba ang mystery actory sa "happy to be back" teaser ng GMA-7 sa social media?
PHOTO/S: PR; File

Si John Lloyd Cruz ang nagkakaisang hula ng netizens na naintriga sa teaser ad ng GMA Network tungkol sa multi-awarded actor na masayang babalik sa Kapuso Network.

Hatinggabi ng November 6, 2021 nang mag-post ang GMA Network sa official Facebook page nito ng larawan ng isang mystery actor na nakangiti at may caption na, “He’s Happy to be Back!”

Walang ipinagkaiba sa ngiti at mga ngipin ni John Lloyd ang cropped photo ng mystery actor na ginamit bilang clue kaya marami ang naniniwalang siya ang ipakikilala ng GMA-7 bilang bagong Kapuso sa darating na Martes, November 9, 2021.

Binigyan din nila ng kahulugan ang mga letrang "PPY" sa salitang "happy." May kinalaman raw ito sa Popoy, ang pangalan ng popular character ni John Lloyd sa 2007 movie nila ni Bea Alonzo na One More Chance.

Medyo akma namang gamitin ang salitang pagbabalik ng aktor dahil dalawang dekada na ang nakalilipas, nagkaroon ng special participation si John Lloyd noong 2000 sa "Sumalangit Nawa" episode ng Kakabakaba, ang horror fantasy series ng GMA-7.

Continue reading below ↓

At bago naging sikat na aktor si John Lloyd, muntik na itong lumipat noon sa GMA-7 pero hindi natuloy dahil napigilan siya ng ABS-CBN.

Ang guesting ni John Lloyd sa television special na ipinrodyus ni Willie Revillame at napanood noong June 6, 2021 sa GMA-7 ang pangalawang beses na paglabas ng aktor matapos ang kanyang guesting sa Kakabakaba two decades ago.

As of September 2021, done deal na ang sitcom na gagawin at pagbibidahan ni John Lloyd sa GMA-7 kaya malakas ang kutob ng kanyang fans na may kinalaman sa proyekto niya ang teaser ad ng Kapuso Network tungkol sa multi-awarded actor.

Conincidentally, ang petsa ng sinasabing pagbabalik ni John Lloyd sa GMA-7 ay malapit sa napapabalitang araw ng pag-iisang dibdib sa Bataan ng kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna at ng fiancé nitong si Derek Ramsay sa Huwebes, November 11.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si John Lloyd Cruzba ang mystery actory sa "happy to be back" teaser ng GMA-7 sa social media?
PHOTO/S: PR; File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results