Ariel Rivera, umalis na ng TV5 noontime show Lunch Out Loud

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2021
ariel rivera lunch out loud
Ilang linggo pagkatapos ipagdiwang ng Lunch Out Loud ang unang anibersaryo nito ay hindi na nag-report ang isa sa mga host na si Ariel Rivera matapos nito umanong tanggihan ang alok na alternate days na lang ang labas niya sa TV5 noontime show.
PHOTO/S: Lunch Out Loud Facebook

Kabilang si Ariel Rivera sa mga naapektuhan ng cost-cutting measures na ipinatutupad sa Lunch Out Loud, ang noontime variety show ng Brighlight Productions na napapanood sa TV5.

Pioneer si Ariel ng Lunch Out Loud dahil nang magsimula ito noong October 19, 2020, kasama na siya bilang isa sa mga Boss-Sing o hurado ng "Kantrabaho," ang singing competition ng programa.

Nang ipagdiwang ng mga host ng Lunch Out Loud ang unang anibersaryo ng kanilang noontime show noong October 19, 2021, walang kamalay-malay si Ariel na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging bahagi siya sa selebrasyon.

lol first anniversary

Continue reading below ↓

Hindi na nag-report si Ariel sa Lunch Out Loud kahapon, November 8, dahil sa alok sa kanya ng management ng Brightlight Productions na alternate days na lang ang paglabas niya sa programa.

Reportedly, hindi tinanggap ni Ariel ang alok ng management kaya pinili na lamang niyang iwanan ang programa.

Ikinalungkot ng production staff ang desisyon ni Ariel dahil bukod sa magaling makisama ang singer-actor, napamahal na siya sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Nanghihinayang ang production staff sa pag-alis ni Ariel dahil sa pagmamahal at malaking kontribusyon niya sa Lunch Out Loud.

Hindi maiwasan ng production staff ng Lunch Out Loud na makaramdam ng pangamba sa mga pagtitipid na pinaiiral ng management sa kanilang noontime program dahil importante sa kanilang meron silang trabaho, lalo na sa nalalapit na Pasko.

Ang hindi matatawarang malasakit ng mga host at production staff ng Lunch Out Loud ang dahilan kaya pinagbigyan nila ang pakiusap ng management na dalawa lamang para sa taping ng tatlong episodes ng show ang talent fees na kanilang matatanggap dahil apektado ng coronavirus pandemic ang lahat ng mga negosyo.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang linggo pagkatapos ipagdiwang ng Lunch Out Loud ang unang anibersaryo nito ay hindi na nag-report ang isa sa mga host na si Ariel Rivera matapos nito umanong tanggihan ang alok na alternate days na lang ang labas niya sa TV5 noontime show.
PHOTO/S: Lunch Out Loud Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results