Newbie singer Gabri Panlilio, inalay sa LGBT community ang kantang "Liwanag"

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2021
Gabri Panlilio music video for Liwanag
Ang music video ng single ni Gabri Panlilio (left) na "Liwanag" ay tungkol sa gay relationship. Ang mga gumanap na artista sa kanyang music video ay sina Kien Kho (in long-sleeved shirt) at Nico Vergara (in white shirt).
PHOTO/S: Gabri Panlilio Instagram / YouTube

Ang ialay sa mga miyembro ng LGBTQ community ang kanyang bagong single na "Liwanag" ang brilliant idea ng classical crossover at talented soprano singer na si Gabri Panlilio.

Si Gabri ay may showbiz connection dahil kapatid niya si Xavi Panlilio, ang asawa ni Dani Barretto.

Naghahatid ng inspirasyon at pag-asa ang "Liwanag" na may lyrics na akma sa mga gay relationship.

Kaya naisip ni Gabri na gawin na tungkol sa mga miyembro ng LGBTQ ang music video ng kanyang single.

Ang refrain ng kanta ay may hugot lyrics na, "Kahit ako’y gulong-gulo, hihinga sa piling mo" na isang mensahe na nagbibigay ng assurance para sa mga taong may pinagdaraanang emotional struggles.

"Yes, that's what it's all about—acceptance and happiness," pagsasalarawan ni Gabri sa "Liwanag."

Reunion project nila ito ng kanyang kapwa composer at arranger na si Patricia Lasaten, ang keyboardist ng sikat na pop band na Ben&Ben.

Kuwento ni Gabri: "At first, it started off when I was complimented by friends, becoming the inspiration behind this.

Continue reading below ↓

"I then decided, why not do a music video that's not too cliché, and make it about the LGBT? When we choose the cast, we wanted to get people who are true to themselves.

"The nice thing about it is that it's relatable to a lot of LGBT people whose parents are having a difficult time accepting who they are."

Nabanggit din niyang timely ang "Liwanag" dahil si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez ay proud member ng LGBT community.

"Also, perhaps it's also worth mentioning that our reigning Miss Universe Philippines is LGBT as well so I'm very much sympathetic with this growing cause," ani Gabri.

Concept ni Gabri ang music video ng "Liwanag" na mula sa direksiyon ni Niq Ablao at marami nang views mula nang i-upload sa YouTube noong October 30, 2021.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang music video ng single ni Gabri Panlilio (left) na "Liwanag" ay tungkol sa gay relationship. Ang mga gumanap na artista sa kanyang music video ay sina Kien Kho (in long-sleeved shirt) at Nico Vergara (in white shirt).
PHOTO/S: Gabri Panlilio Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results