K Brosas at KC Montero, apektado rin ng cost-cutting measures ng Lunch Out Loud

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
k brosas kc montero lunch out loud
Bagamat binawasan ang araw ng paglabas nila sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud, pinili nina K Brosas at KC Montero na manatili sa show.
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi nag-iisa si Ariel Rivera sa mga mainstay ng Lunch Out Loud na naapektuhan ng cost-cutting measures ng Brightlight Productions, ang producer ng noontime show na napapanood sa TV5.

Apektado rin dito sina K Brosas at KC Montero. Gaya ni Ariel, inalok sina K at KC ng alternate days na paglabas sa Lunch Out Loud.

Ang kaibahan lang, pinili ni Ariel na magpaalam sa programa, samantalang tinanggap nina K at KC ang alok ng management na manatili sa Lunch Out Loud pero hindi na sila araw-araw mapapanood.

Ipinatutupad sa Lunch Out Loud ang pagbabawas ng mga gastusin para patuloy na matunghayan sa telebisyon ang programa na nag-umpisa noong October 19, 2020 habang malaki ang problema ng buong mundo sa coronavirus pandemic.

Bukod sa pagbabawas ng araw ng pasok nina K at KC sa Lunch Out Loud, naapektuhan din ang talent fee ng ibang mga host.

Kailangan itong gawin para makaraos ang programang ipinagmamalaki nilang mas marami ang nanonood kesa sa kanilang rival show, ang It’s Showtime ng Kapamilya Channel.

Continue reading below ↓

Noong April 26, 2021, idineklara ni Lunch Out Loud co-host Bayani Agbayani na Number 2 na sa buong bansa ang kanilang noontime show.

“Awa naman ng Diyos, after Eat Bulaga, kami na. Ganoon na yung ratings,” walang pag-aalinlangang pahayag ni Bayani.

Pero inalmahan ito ng loyal followers ng It's Showtime.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat binawasan ang araw ng paglabas nila sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud, pinili nina K Brosas at KC Montero na manatili sa show.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results