Abdul Raman, paano ginalit at pinatawa ang Legal Wives co-star na si Cherie Gil?

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2021
abdul raman solo
Abdul Raman on positive feedback about their primetime series Legal Wives: “Ramdam na ramdam ko siya sa social media, sa friends around me saying, 'Alam mo, Abdul, ang dami kong natutunan sa Legal Wives.’ Tapos sasabihin nila na maganda raw ang values ng Muslim."
PHOTO/S: @abdulraman23_ on Instagram

Ngayon Biyernes, November 12, ang huling gabi ng Legal Wives kaya may lungkot na nararamdaman ang cast ng top-rating drama series ng GMA-7.

Pero natutuwa sila dahil sa public clamor na magkaroon ng Season 2 ang kanilang programa.

Isa ang StarStruck Season 7 Avenger na si Abdul Raman sa mga masaya at nagpapasalamat dahil naging bahagi siya ng drama series na pinangungunahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Malaki ang naitulong kay Abdul ng partisipasyon nito sa Legal Wives dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigang dumamay sa kanya nang magkasakit ang nanay niya noong July 2021.

Hindi rin malilimutan ni Abdul ang karanasan niya sa veteran actress na si Cherie Gil na pinagalitan siya nang wagas dahil sa kanyang naantalang pagdating sa set ng Legal Wives.

Kuwento ni Abdul, “Na-late ako sa set kasi on the spot, nagkaroon ng script revision.

“Tapos, nagulat po ako. Sa akin lang yung iniba, as in pinahaba lang. Let’s say, five to ten times, mas mahaba [ang mga linya].

Continue reading below ↓

“Malalim na Tagalog po siya, as in gantimpala, reward.

"I went to the set, late na po ako.

Masaya pa ako, tapos napansin ko, 'Oh my God, bakit parang tahimik? Galit ba sila sa akin?'

“Hindi ko na-realize na sobrang late na pala ako. I remember, napagalitan ako ni Miss Cherie Gil.

"But the most memorable part was mas mahirap nga yung binagong script, Tagalog pa.”

May karugtong ang kuwento ng Kapuso young actor dahil sa matinding tensiyon na kanyang naramdaman.

Patuloy ni Abdul, “Hindi ko po na-memorize nang maayos [ang mga linya ko] so kinakabahan na ako dahil napagalitan na ako.

“Yung scene ko basically was me explaining to Tito Al [Tantay] na, 'Kaya po ako nandito kasi gusto ko pong makatulong sa inyo kasi alam ko po malaki ang reward ko kapag tumulong ako sa isang Muslim scholar.'

“But the thing was hindi ko maalaala yung word na 'gantimpala.'

Continue reading below ↓

“Ang nangyari po, ang nasabi ko lang, 'Kaya po ako nandito, gusto ko lang makapagsilbi sa inyo kasi alam ko po na malaki ang aking... malaki ang aking…'

“Hindi na po nakapagpigil si Miss Cherie, sabi niya, ‘Malaki ang yung ano?’ Natawa na lang po sila.”

Sa kabila ng mahirap makalimutang karanasan niya kay Cherie na siya rin ang may pagkakamali, umaasa si Abdul na mas nadagdagan ang kaalaman ng manonood tungkol sa relihiyon at kultura ng mga kapatid nating Muslim, tulad ng naririnig niya mula sa kanyang mga kaibigan.

Aniya, “Ramdam na ramdam ko siya sa social media, sa friends around me saying, 'Alam mo, Abdul, ang dami kong natutunan sa Legal Wives.’

“Tapos sasabihin nila na maganda raw ang values ng Muslim."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abdul Raman on positive feedback about their primetime series Legal Wives: “Ramdam na ramdam ko siya sa social media, sa friends around me saying, 'Alam mo, Abdul, ang dami kong natutunan sa Legal Wives.’ Tapos sasabihin nila na maganda raw ang values ng Muslim."
PHOTO/S: @abdulraman23_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results