Diego Loyzaga, nagri-reach out na muli sa amang si Cesar Montano

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2021
diego loyzaga cesar montano car
Diego Loyzaga (left) on dad Cesar Montano (right): "I’ve been reaching out to him lately. We talk very, very briefly when he has the time. He fell sick earlier [August 2021] previously from COVID-19 and, because of that, we were able to talk again. Sana, one of these days, I get to see him and definitely ask him a lot of tips, a lot of advise."
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @cesarbuboymontano on Instagram

Hindi maipagkakailang isa si Diego Loyzaga sa mga aktor na maraming pelikulang ginagawa sa panahon ng coronavirus pandemic.

Dalawang taong nawala si Diego sa showbiz dahil sa mga personal na dahilan, pero sulit na sulit ang kanyang pamamahinga nang maging aktibo siya sa pag-arte noong 2020.

Para sa 2021, ang Death of A Girlfriend, Bekis On the Run, House Tour, More Than Blue, Dulo, Greed, at ang TV5 television series na Encounter ang ilan sa mga proyekto ni Diego.

Ang magkakasunod na pelikulang ginawa ni Diego ang rason kaya tinanong siya ng Cabinet Files tungkol sa mga paraan na kanyang ginawa para hindi magkakatulad ang pagbibigay-buhay sa mga karakter na ginampanan niya.

Humingi ba siya ng tips sa kanyang ama, ang multi-awarded at season actor na si Cesar Montano?

They’re all very different. I always go back to, like, a part of me that looks like or is like the character and mas pinangingibabaw ko yung ganoong ako para bumagay sa karakter.

Continue reading below ↓

“And, of course, adding other details that you get from the script that the director might give you, so siguro, dun ko siya na nadi-differentiate.

“Siyempre, yung iba mahirap. Yung iba mayaman, yung isa magnanakaw, yung isa sawi sa pag-ibig, so they’re all different.

"But then, they’re human. They’re also derived from normal human traits, how a person would react," paliwanag ni Diego sa naganap na virtual media conference ng More Than Blue ngayong Lunes ng hapon, November 15, 2021.

Noong 2017 ay nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng mag-ama kung saan naglabas ng kanyang saloobin si Diego laban kay Cesar.

Sa presscon ng kanyang mga nakaraang project, nabanggit ni Diego ang kagustuhan nitong magkasundo na sila ng amang si Cesar.

Base sa pahayag ni Diego sa digital mediacon ng More Than Blue, unti-unti na itong nangyayari.

Saad niya, “Yung sa dad ko, I would love to ask him tips [about acting].

Continue reading below ↓

"I’ve been reaching out to him lately. We talk very, very briefly when he has the time.

“He fell sick previously [August 2021] from COVID-19 and, because of that, we were able to talk again.

"Sana, one of these days, I get to see him and definitely ask him a lot of tips, a lot of advise."

Sina JC Santos, Yassi Pressman, at Ariella Arida ang mga kasama ni Diego sa More Than Blue, ang Filipino adaptation ng 2009 South Korean movie na nagkaroon ng successful Taiwanese remake noong 2018.

Magsisimula sa November 19 ang streaming ng More Than Blue sa Vivamax.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga (left) on dad Cesar Montano (right): "I’ve been reaching out to him lately. We talk very, very briefly when he has the time. He fell sick earlier [August 2021] previously from COVID-19 and, because of that, we were able to talk again. Sana, one of these days, I get to see him and definitely ask him a lot of tips, a lot of advise."
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @cesarbuboymontano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results