Manny Pacquiao namakyaw ng isda, gulay, at karne sa palengke

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2021
manny pacquiao market tour
Nagkagulo ang mga tao sa Guadalupe Public Market sa Makati City ngayong Miyerkules ng umaga, November 17, dahil sa pagdating ng senador at presidential aspirant na si Manny Pacquiao, na namakyaw ng mga panindang isda, gulay, at karne ng mga tindera roon.
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram

Nabulabog ang mga nagtitinda sa Guadalupe Public Market sa Makati City ngayong Miyerkules ng umaga, November 17, dahil sa pagbisita ng senador at presidential aspirant na si Manny Pacquiao.

Kasama ang mga miyembro ng media at TV cameramen na tinutukan ang kanyang “pagkakawanggawa,” pinakyaw ni Pacquiao ang mga isda, gulay, at karne ng mga tuwang-tuwang nagtitinda sa palengke.

Live na napanood sa Instagram story ni Pacquiao ang pagbili nito ng mga isda na nagkakahalaga ng P1,700. Pero tatlong libong piso ang kanyang ibinayad sa tindera na maligayang-maligaya.

manny pacquiao market tour

Continue reading below ↓

Dinagdagan din ni Pacquiao ng isang libong piso ang bayad niya sa ibang mga produkto na kanyang binili sa palengke ng Guadalupe.

Isang babae na nagmamasid sa mga nangyayari ang hindi napigilan ang sarili na magsabi ng “Para maiba naman, Manny Pacquiao for President! Maka-Diyos! Makatao! Salamat po!” dahil sa perang nakasilid sa apple green envelope na hawak at ipinamumudmod ng Pambansang Kamao.

Continue reading below ↓

Pinag-ugatan ng debate ang pamimigay ni Pacquiao ng pera dahil marami ang nagkomento na panunuhol at isang klase ng early vote-buying umano para sa halalan sa May 2022 ang kanyang ipinamalas.

Pero para sa mga loyal supporter ni Pacquiao, pagtulong sa kapwa ang ginawa ng Filipino boxing legend na hindi raw dapat intrigahin dahil sariling pera ang ginagastos nito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkagulo ang mga tao sa Guadalupe Public Market sa Makati City ngayong Miyerkules ng umaga, November 17, dahil sa pagdating ng senador at presidential aspirant na si Manny Pacquiao, na namakyaw ng mga panindang isda, gulay, at karne ng mga tindera roon.
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results