A Hard Day stars Dingdong Dantes at John Arcilla, sigurado na ang twin victory sa MMFF 2021?

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2021
dingdong john a hard day
Malaki ang posibilidad na sina Dingdong Dantes (kaliwa) at John Arcilla (kanan) ang tanghaling best actor at best supporting actor, respectively, sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2021 dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa A Hard Day.
PHOTO/S: Viva Films

Ang Reality MM Studios ang producer ng On The Job: The Missing 8, ang pelikulang nagpanalo kay John Arcilla ng Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice Film Festival noong September 12, 2021.

Kung isinali ng Reality MM Studios ang On the Job: The Missing 8 sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021, malaki ang tsansa ni John na manalo bilang best actor dahil sa karangalang natanggap niya mula sa 78th Venice Film Festival.

Pero hindi puwedeng ilahok sa MMFF 2021 ang On The Job: The Missing 8 dahil sa kontrata at kasunduan sa pagitan ng mga producer na sina Dondon Monteverde at Erik Matti ng Reality MM Studios at ng HBO na ipinalabas sa HBO GO ang critically acclaimed movie ni Matti bilang six-part series.

Hindi man nakasali ang On The Job: The Missing 8 sa Metro Manila Film Festival 2021, malaki pa rin ang posibilidad ni John na manalo ng acting award dahil sa kanyang napakahusay na pagganap bilang kontrabida ni Dingdong Dantes sa Filipino remake ng 2014 South Korean movie na A Hard Day.

Continue reading below ↓

Originally, official entry ang A Hard Day sa 1st Metro Manila Summer Film Festival na magaganap sana noong April 2020 pero hindi natuloy dahil sa coronavirus pandemic.

Muling isinali ang A Hard Day sa MMFF 2021 at napili ito bilang isa sa mga opisyal na kalahok.

Masusulit ang matagal na paghihintay ni Dingdong at ng kanyang mga tagahanga sa cinema release ng A Hard Day sa December 25, 2021 dahil isa ito sa pinakamagandang pelikulang ginawa at pinagbidahan niya, base sa aming napanood.

Mababawi rin ni Dingdong ang lahat ng kanyang mga isinakripisyo at pagod para sa malalaking eksena at matitinding action stunts na ginawa niya.

Mahihirapan ang ibang mga mahuhusay na aktor, na may pelikulang kasali sa darating na film festival, na talunin sa best actor category si Dingdong dahil sa outstanding performance nito.

Unang ipinalabas sa Cannes Film Festival noong May 2014 ang Korean version ng A Hard Day na tumanggap ng mga papuri mula sa mga film critic.

Continue reading below ↓

a hard day filipino remake

Sina Lee Sun-kyun at Cho Jin-woong ang mga bida sa A Hard Day. Nanalo sila bilang best actor at best supporting actor, respectively, sa 51st Baeksang Arts Awards, isa sa mga prestigious award-giving body sa South Korea, dahil sa kanilang magaling na pagganap sa pelikula.

Hindi malabong mangyari kina Dingdong at John sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2021 ang twin victory nina Lee Sun-kyun at Cho Jin-woong sa 51st Baeksang Arts Awards dahil sa hindi matatawaran at mahirap higitang pagganap nila sa Philippine adaptation ng A Hard Day.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang posibilidad na sina Dingdong Dantes (kaliwa) at John Arcilla (kanan) ang tanghaling best actor at best supporting actor, respectively, sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2021 dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa A Hard Day.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results