PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karen Davila birthday treat for Lyca Gairanod on November 21

A-attend ka ba sa "Karen Davila and Lyca Gairanod birthday" online event?
by Jojo Gabinete
Published Nov 18, 2021
lyca gairanod karen davila birthday
Matuloy kaya sa November 21 ang ipinangakong birthday treat ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila (kanan) sa The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod (kaliwa) after mag-viral ng eksahedorang reaksiyon ni Karen (inset) nang malamang magkapareho sila ng birthday ni Lyca?
PHOTO/S: @lycagairanod.1 / @iamkarendavila on Instagram

At press time, halos tatlong libo na ang bilang ng netizens na nagpahayag ng interes na dumalo sa online event na "Karen Davila and Lyca Gairanod birthday" na magaganap sa darating na Linggo, November 21, 2021.

Nagsimula ito at ginawang katuwaan ng netizens dahil sa over the top na "Oh my God!" reaction ng 50-year-old broadcast journalist nang malaman nitong pareho ang araw ng kapanganakan nila ng The Voice Kids Philippines Season 1 champion.

Nag-trending at nagkaroon ng maraming memes ang reaksiyon ni Karen, na nangakong siya ang “magpa-party” sa kaarawan nila ni Lyca sa interbyu niya sa young singer noong August 2021 para sa kanyang YouTube channel.

Sa virtual media conference ng digital concert na Arrival: The Next Chapter of OPM ngayong Huwebes, November 18, tinanong si Lyca tungkol sa pangako ni Karen sa kanyang birthday treat.

Ayon kay Lyca, matutuloy ang pagsasama nila ni Karen sa kanilang kaarawan sa November 21. Pero hindi siya nagsabi ng mga detalye dahil, diumano, “surprise birthday” ang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng singer, “Gusto ko lang mag-spend ng bonding with my family.

"Gusto ko pong mag-help sa mga tao, especially hindi lang para sa akin ang araw na yun, para rin sa mga tao.

"Inaabangan po nila ang birthday ko, so talagang mas gusto ko pong makatulong sa mga tao. Napasaya na po nila ako kaya gusto ko, mapasaya ko rin sila."

Hindi man nagsalita si Lyca tungkol sa sorpresa nila ni Karen, posible namang magkaroon sila ng collaboration para sa mga YouTube channel nila. Kailangan nila itong samantalahin dahil meron nang 6.6 million views ang kanilang nag-trending noong video.

Ang Arrival: The Next Chapter of OPM ang post-birthday digital concert ni Lyca, kasama sina Claudia Barretto, Because, Jehramae Trangia, Jona Soquite, Cean Jr. at ang mga grupo ng Alamat, LITZ, Deny, at Magnus Haven.

Mapapanood ito sa mga streaming site na ktx.ph, IwantTFC, at TFC IPTV sa November 27, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasanay na si Lyca na magtanghal sa harap ng live audience at dahil digital ang kanilang concert, kailangan daw niyang galingan pa ang kanyang performance.

“Mahirap pong mag-perform na walang mga tao. Mas nakakagana pong mag-perform kapag may audience.

"So, malaking challenge itong ginawa namin. Pero sobrang thankful namin dahil mas napaganda yung aming concert," sabi ni Lyca.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matuloy kaya sa November 21 ang ipinangakong birthday treat ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila (kanan) sa The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod (kaliwa) after mag-viral ng eksahedorang reaksiyon ni Karen (inset) nang malamang magkapareho sila ng birthday ni Lyca?
PHOTO/S: @lycagairanod.1 / @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results