PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, Miss Universe PH winners in Agimat ng Agila Book 2

Bong Revilla, proud na ipinakita ang bunga ng kanyang workout.
by Jojo Gabinete
Published Nov 28, 2021
bong rabiya mj agimat ng agila 2
Senator Bong Revilla will be joined by Miss Universe Philippines winners Rabiya Mateo (left) and MJ Lastimosa (right) in Agimat ng Agila Book 2.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Dalawa at hindi lamang isang former Miss Universe Philippines winner ang co-star ni Senator Bong Revilla Jr. sa Book 2 ng Agimat ng Agila, na mapapanood sa GMA-7 simula sa January 8, 2022.

Bukod kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, kasama rin sa cast ng Agimat ng Agila si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Gaganap si MJ bilang Interpol agent kaya pareho silang may mga action scene sa magbabalik-telebisyon na weekly drama-fantasy series ni Bong.

Unlike Rabiya, hindi baguhan sa pag-arte si MJ dahil nagkaroon na siya noon ng mga TV assignment sa ABS-CBN. Sanay na rin siyang humarap sa kamera dahil sa kanyang hosting stint sa Eat Bulaga.

Si Rico Gutierrez pa rin ang direktor ng Book 2 ng Agimat ng Agila, at pasado sa kanya ang acting ability ni Rabiya.

“Magaling siya gumalaw at madaling turuan sa mga action sequence, kahit first time niya.

"Sa acting, magaling din. Very instinctive naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Binibigyan siya ng pointers ni Senator Bong sa mga scene nila, nakakatuwa. Malakas din ang chemistry nilang dalawa," kuwento ni Rico tungkol sa unang pagkakataong pagsabak ni Rabiya sa pag-arte.

Hindi lamang ang pagsasama nina MJ at Rabiya ang dapat abangan sa Book 2 ng Agimat ng Agila dahil ipinakita ni Bong sa kanyang social media pages ang mga paghahandang ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pagmamalaking ibinahagi ni Bong sa social media followers nito ang topless photo na matibay na ebidensiyang nagbunga nang maganda ang kanyang regular workout kaya physically fit siya para sa mga action stunt niya sa Agimat ng Agila.

Inspirasyon para sa ibang mga tao ang pagkakaroon ni Bong ng buff body sa edad na 55 na bunga ng sipag niya sa pag-e-hersisyo, wastong pagkain, at disiplina sa sarili.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla will be joined by Miss Universe Philippines winners Rabiya Mateo (left) and MJ Lastimosa (right) in Agimat ng Agila Book 2.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results