Sina AJ Raval at Wilbert Ross ang mga lead star ng sex-comedy movie na Crush Kong Curly, pero may special participation sa pelikula si Jao Mapa.
May isang mapangahas na eksena si Jao na tiyak na pag-uusapan dahil sa kanyang makatotohanang pagganap.
Hindi nagpahuli si Jao kina AJ at Wilbert dahil nakipagsabayan siya sa mga “self-gratification” scene ng dalawa sa Crush Kong Curly, pero may disclaimer siya.
Diumano, tinanggap niya ang project at ginawa ang nakabibiglang eksena dahil tunay na aktor ang kanyang turing sa sarili.
“I consider myself a character actor, no convincing was needed. I just do my job, and always put my 101 percent in it,” paliwanag ni Jao tungkol sa kapangahasang ipinamalas nito sa harap ng kamera.
Pero sa ngayon, hindi siya papayag na panoorin ng kanyang mga anak ang mga pelikulang ginawa niya tulad ng Paraluman at Crush Kong Curly, na parehong titillating movies ang kategorya.
“Probably when they grow older and reach adulthood, but as of now, no. I prohibit them from watching these films.”
Kahit for adults only ang kanyang mga pelikula, nagpapasalamat si Jao dahil nagkaroon ng bagong sigla ang acting career niya sa panahon ng coronavirus pandemic.
Bukod sa partisipasyon sa mga adult movie, nabigyan si Jao ng TV assignment—ang cameo role niya sa bagong drama series na tinatampukan ni Jodi Sta. Maria.
Saad ni Jao, “I did a cameo for The Broken Marriage Vow. I played the dad of the character of the young Jodi Sta. Maria.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos Ama at binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na muling gamitin ang biyaya ng pag-arte sa harap ng camera.
“Ako ay isang instrumento Niya at hindi ko Siya bibiguin, pati na rin ang fans na sumusubaybay sa akin.
“Nagugulat ako dahil bigla na lang may mga biyayang dumarating, pero slow and steady lang ako.”
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.