Isang milagro para kay Claire Castro na natupad ang matagal nang pangarap maging artista.
Bata pa kasi siya nang pumasok sa isip niyang sundan ang mga yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang na mga popular na teen star noong dekada ’90 — sina Diego Castro at Raven Villanueva.
“When I was a kid [nangarap na mag-artista] kaso hindi nila ako pinayagan. Sabi po nila, hindi ko raw kakayanin.
“Ang feeling ko po, true naman yun, kasi makulit po akong bata. Siguro po, hindi ko kakayanin yung workload nung time na yun.
“Saka hindi ko po alam na ganito pala yung hardwork. It takes a lot of hardwork. Before, wala akong idea, ang akala ko pag-perform lang, okay na,” saad ni Claire sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files nitong Huwebes ng hapon, December 2.
Maliit na bata pa si Claire nang maghiwalay ang kanyang mga magulang kaya lumaki siya sa poder ng lola niya — ang aktres, broadcaster, EDSA 1 hero, at Marian devotee na si June Keithley.
Pumanaw si June noong November 24, 2013.
Nagpakatotoo si Claire nang sabihin niyang wala silang komunikasyon nang kumustahin ng Cabinet Files ang relasyon nila ng kanyang inang si Raven, na matagal nang naninirahan sa Ohio, USA.
“To be honest, wala po [communication] as of now. Hindi naman siya bad blood. It’s just that she’s raising my little sister right now.
“Hindi po kami nagkakatagpo dahil sa work ko rin… I hope to reconnect with her soon though.
“Pasulpot-sulpot po yung communication namin, but the last time I saw her was at my grandfather’s wake, her dad po.
"She visited the Philippines, I think I was 14 or 15," lahad ng 23-year-old Kapuso actress.
Para kay Claire, isa ring milagrong nabigyan siya ng lead role sa Nagbabagang Luha, ang afternoon drama program ng GMA-7 na nagwakas noong October 23, 2021.
Bihira kasi sa mga katulad niyang baguhan ang nabibigyan ng malaking oportunidad at role sa isang television series.
“For me, miracle na nakuha ko yung role ko sa Nagbabagang Luha. Kasi, for me, unheard na may newbie na binigyan ng chance na maging one of the lead.
“I really believe na destiny din po everything is meant to happen and there’s a reason for everything.
"So, yun po ang miracle ko, yung role ko sa Nagbabagang Luha.
"Kasi after po nito, ang dami pong doors na nag-open. Mas maraming guestings,” sabi ni Claire.
Napag-usapan ang itinuturing na milagro ni Claire sa buhay niya dahil tungkol sa milagro ang kuwento ng "Myra’s Miracle," ang unang Christmas presentation ng Regal Studio Presents na kanyang pinagbibidahan.
Mapapanood ito sa GMA-7 sa darating na Linggo ng hapon, December 5, 2021.