"Regal babies" pa rin ang itatawag nina Roselle Monteverde ng Regal Entertainment Inc., Dondon Monteverde ng Reality MM Studios, at Charlie Dy ng Virtual Playground sa mga bagong artistang kanilang tutuklasin, pasisikatin, at bibigyan ng mga proyekto sa pelikula at telebisyon.
Opisyal na inanunsiyo ng tatlo ang pagsasanib-puwersa ng kanilang mga kompanya sa pagtuklas ng mga bagong talento dahil sa kagustuhan nilang magkaroon ng homegrown talents at ipagpatuloy ang naumpisahan ni Mother Lily Monteverde.
Si Mother Lily ang Regal matriarch at ina nina Roselle at Dondon na nagpasikat sa maraming mga artista at gumawa ng mga makabuluhan at nakakaaliw na pelikula para sa kapakanan at kasiyahan ng mga Pilipino.
ROSELLE MONTEVERDE
Malaki ang kontribusyon ni Mother Lily sa muling pagbubukas at pagbangon ng ABS-CBN noong 1986 dahil ipinahiram niya sa nabanggit na network ang kanyang mga artista na nagbida sa mga TV show na tinangkilik ng manonood.
“We’d like to have our homegrown talents just like we used to have,” pahayag ni Roselle tungkol sa collaboration nila ng kanyang kapatid at ni Charlie na matagal nang kaibigan ng kanilang pamilya.
Dagdag niya, “Parang good timing kasi nagkaroon kami ng time to really talk about the future plans nitong pandemic.
“Ang daming realizations, kung saan kami weak. Kung ano ang strength and weaknesses. So, we were able to discuss a lot of those noong nakaraang taon.
“This is the reason why ngayon namin ito nabuo dahil, before, we were so busy with a lot of things. Parang dumaan lang ang oras, hindi mo alam.
“Ang dami na rin palang hindi nagawa kaya it was a good timing right now at saka sa digital platforms, mas mabilis ngayon ang mag-launch ng artista.
“Hindi katulad noon na parang super effort. Kailangan pelikula agad para sumikat
"Pero ngayon, marami nang sumisikat sa mga different platforms kasi marami na rin ang nagkakalakas ng loob.
“Ang mga kabataan ngayon, iba na rin ang kanilang perspective, malalakas na ang mga loob nila. Ma-effort sila.”
May partnership din si Roselle sa GMA-7 kaya tiyak na mapapanood sa Regal Studio Presents at sa TV version ng Mano Po ang mga artistang aalagaan nila ng Reality MM Studios at ng Virtual Playground.
DONDON MONTEVERDE
Tiwala naman si Dondon na napapanahon ang pagsasanib-puwersa ng mga kompanya nila nina Roselle at Charlie para sa pagtuklas ng mga bagong artista.
Bukod sa mga nagsusulputang platforms, may mga mahahalagang bagay siyang natutunan sa pagdalo nila ng direktor na si Erik Matti sa 78th Venice Film Festival na naganap noong September 2021 sa Venice, Italy.
Pahayag ni Dondon, “Dati, ang theatrical natin sa Philippines, masyadong star-based. You always wanna get the big stars to put in the movies para kumita.
"Pero right now, with the pandemic and everything, ang daming platforms ngayon na nanganak, ang daming venues na puwede nating i-showcase talaga ang talents ng mga Pilipino.
“Yung last experience ko sa 78th Venice Film Festival, nakita naman natin, na-prove natin na kaya ng mga Pilipino. First time na may nanalo na Pilipino sa Venice as best actor, si John Arcilla.
“Nakausap namin yung mga programmer. In fact, nakausap din namin yung mga director, mga juror.
“Sabi nila, they want to see more of the Philippines after they saw John. Siyempre, hindi nila kilala kung sino itong John Arcilla na nakita nilang umakting sa big screen, magaling pala ang mga Pilipino.
“It’s a good thing right now na we’re getting our content out there na nano-notice ng mga tao."
Dagdag niya, "So, I think it’s also right to book yung mga bagong stars o even yung ibang mga legit star natin na mailagay sa mga content na ginagawa ng Regal, Reality, at Virtual Playground para i-showcase natin sa abroad.
“One day, hindi naman masama na managinip na ma-achieve natin yung mga ginagawa ng mga Koreano sa mga artista nila na kilala worldwide.
“Saka natutuwa ang nanay namin na nag-join forces kami in creating the new stars. Kung naaalaala ninyo, nang magbukas ang ABS-CBN [1986], it was my mom who actually spearheaded.
“Yun ang kinalakihan namin ni Roselle so we’re just wanting to duplicate it na sana magawa namin. But this time around, maybe bring it to the international scene, hindi lang tayo sa local.”
CHARLIE DY
Kilala si Charlie bilang agent ng mga sikat na local sport personality, pero hindi siya baguhan sa entertainment industry.
Naging bahagi ng showbiz si Charlie noong kabataan nito dahil matalik niyang kaibigan si Rey "PJ" Abellana, na madalas nagsasama sa kanya sa mga showbiz gathering.
In fact, si Charlie ang pinakanta noon ng theme song ng isang pelikula dahil sa singing talent niya.
“We started in 2015 as a management company for athletes so we all have the top PBA players, a lot of them are under Virtual Playground, and we’re now venturing into showbiz,” pagpapakilala ni Charlie sa kanyang talent management agency.
“I’m just so excited [about the partnership] because growing up, I watched a lot of Regal movies. I think we all grew up loving all the Regal babies, and now we’re partnering with Regal Films and Reality MM Studios.
“Lalo akong na-excite because we will be discovering a lot more new talents that will grace the entertainment of Philippine Cinema.
“This is the right time na mag-launch ng mga bagong artista to showcase Philippine entertainment.”