PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval “wrestling” bonding moment with leading man Wilbert Ross

AJ Raval, “wrestling” ang bonding moment sa kaparehang si Wilbert Ross
by Jojo Gabinete
Published Dec 15, 2021
AJ Raval and Wilbert Ross in Crush Kong Curly
AJ Raval on leading man Wilbert Ross: "Sobrang solid po ng friendship namin ni Wilbert. Yung friendship po namin, parang nakakalimutan na rin po niya na babae ako."
PHOTO/S: Crush Kong Curly pictorial

“Makipagbugbugan” sa mga aktor na nakakapareha niya sa pelikula ang ugaling nakasanayan ni AJ Raval, at mismong sa kanya nanggaling ang impormasyon.

Nang magkasama sina AJ at Sean de Guzman sa erotic drama movie na Taya, saksi ang production staff sa paghaharutan ng dalawa sa pamamagitan ng “pagbubugbugan.”

Si Wilbert Ross ang leading man ni AJ sa sex-comedy movie na Crush Kong Curly.

At tulad ng ginagawa nila ni Sean, sinabi ng sexy star na “wrestling” naman ang bonding moments nila ng former Hashtags member.

Kuwento ni AJ, “Sobrang solid po ng friendship namin ni Wilbert. Yung friendship po namin, parang nakakalimutan na rin po niya na babae ako.

“Sobra po kaming mag-asaran. Yung bonding namin, nagwre-wrestling talaga kami.”

Ayon kay AJ, mayabang ang impression niya kay Wilbert sa kanilang unang pagkikita.

“Si Wilbert po, ang unang impression ko sa kanya, sorry ha, ang unang tingin ko sa kanya snobbish, mayabang, yung mga ganoong bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging judgmental ako agad, pero yun po kasi ang aura niya. Ang lakas po ng dating niya, hindi naman po natin maikakaila yun.

“So, ganoon po ang naging tingin ko sa kanya.

“Tapos, nasa sasakyan kami, kinakausap ko siya, hindi niya ako pinapansin, nagmo-Mobile Legends po siya.

”Pero nung tumatagal po, nakakapa ko po yung ugali niya. Inaasar ko po siya.

“Ganoon po ako makipag-bond sa tao. Dinadaan ko po sa pang-aasar, pang-pipikon. Yung tipong kapag napikon, babawi po ng mas nakaka-offend na salita. Dun na po kami nagiging close, sa mga ganoong bagay.”

Dagdag pa in AJ, “Sobrang bait po ni Wilbert. Lagi po siyang nagwo-worry sa mga bagay-bagay sa ‘yo, kung ano po ang pinagdadaanan niyo.

"Parang naging kuya ko na po siya. Binibigyan po niya ako ng advice. Sinasabihan po niya ako sa mga ginagawa ko."

Si Wilbert ay tatlong taong naging miyembro ng all-male group na Hashtags sa It's Showtime. Siya ay bahagi na Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment Inc.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on leading man Wilbert Ross: "Sobrang solid po ng friendship namin ni Wilbert. Yung friendship po namin, parang nakakalimutan na rin po niya na babae ako."
PHOTO/S: Crush Kong Curly pictorial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results